Xian Gaza binatikos ang 'GomBurZa' issue sa PBB: Scripted lamang ito | Bandera

Xian Gaza binatikos ang ‘GomBurZa’ issue sa PBB: Scripted lamang ito

Therese Arceo |April 14,2022
facebook
share this

Xian Gaza binatikos ang ‘GomBurZa’ issue sa PBB: Scripted lamang ito

Therese Arceo - April 14, 2022 - 06:32 PM

Xian Gaza binatikos ang 'GomBurZa' issue sa PBB: Scripted lamang ito
MULI na namang nakisawsaw ang “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza sa mga maiinit na chika ngayon.

Matapos ang kanyang pahayag sa relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero, ang “GomBurZa” issue naman ang target ng social media personality.

Nagpahayag si Xian na hindi siya kumbinsido sa mga nakikita niyang balita ukol sa mga kabataan sa loob ng “Pinoy Big Brother” house na hindi kilala ang GomBurZa.

Aniya, minabuti na niyang mag-imbestiga upang malaman ang totoo sa likod ng isa sa mga trending topics ngayon sa social media.

“I’m not convinced na hindi alam ng mga bata yung basic things like GomBurZa kaya ako’y nag-imbestiga. I found out na scripted lamang ito at sinasadya talaga nilang maliin upang magtrending at pag-usapan ang programa,” saad ni Xian.

Dagdag pa niya, “Pinapirma silang lahat ng NDA.”

Pumalag naman ang dating “PBB” teen housemate na si Justin Dizon sa patutsada ni Xian sa programang kinabilangan niya.

“I am an ex-housemate from the previous season and none of these are true,” saad ng dating housemate.

Dagdag pa niya, “Siguro mas alam ko than Xian Gaza because I was once part of the program.”

Nilinaw rin ni Justin na wala silang sinusundang script sa “Pinoy Big Brother” at wala rin silang pinipirmahang non-disclosure agreement taliwas sa sinasabi ni Xian.

Hirit pa niya, “Wala kaming script na sinusundan at wala rin non-disclosure agreement. Hindi lang talaga gaanong aware ang mga bata sa kasaysayan. Yun lang yun.”

 

 

Matatandaang nauna nang naglabas ng pagkadismaya ang mismong “PBB” host na si Robi Domingo sa Philippine education system matapos niyang tanungin ang mga teen housemates tungkol sa history para sa kanilang task.

Pagtatanong ng Kapamilya TV host, sa anong tawag daw kilala ang tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora na sinagot ng housemate ng “MaJoHa” na agad nag-viral.

Marami ang bumatikos sa mga housemate sa kawalan nito ng kaalaman ukol sa history.

Hiling nga ni Robi na sana ay maging daan ang programa para makita ang kakulangan sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Kahit ang content creator na si Lqca Maravilla ay sinabing hindi na bago ang isyung ito at matagal nang may krisis.

“Hindi na bagong balita sa akin ‘yang GOMBURZA issue sa PBB.

I’ve met Accountancy graduates na hindi marunong mag-divide, BSED English majors na hindi alam ang pagkakaiba ng your at you’re, at working professional teachers na fake news spreaders.

Matagal na hong may krisis.”

 

 

Samantala, wala namang panibagong sagot si Xian matapos siyang i-call out ng dating housemate na si Justin.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Robi dismayado sa education system sa Pinas dahil sa #MaJoHa: Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, ‘di na nakakatuwa

Xian Gaza nag-DM kay Joshua: Kung alam ko lang, matagal na kitang pinormahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending