Maritoni Fernandez sa pagiging cancer survivor: Thank you Jesus for every extra hour, day, month, year and decade!
BAWAT araw na dumaraan sa kanyang buhay ay itinuturing na malaking blessing ng veteran actress na si Maritoni Fernandez.
Patuloy ang pasasalamat ng breast cancer survivor sa Panginoong Diyos dahil hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin siya at nananatiling fit and healthy.
Para sa aktres, isang himala ang nangyari sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat ng pag-iingat bilang pagpapahalaga sa second life na ibinigay sa kanya ni Lord.
Sa kanyang Instagram page kahapon, September 14, nagbahagi si Maritoni ng isang litrato kung saan makikita siyang nakatayo sa harapan ng mammography machine.
Ang mammography ay isang paraan ng pagsusuri sa gamit ang breast X-ray machine para malaman ang early signs ng cancer at ng iba pang karamdaman.
Ayon kay Maritoni, naging bahagi na ng kanyang sistema ang bi-annual tomography. Aniya, inaatake pa rin siya ng anxiety kapag ginagawa niya ito pero nilalabanan niya ang takot dahil alam niyang kailangan ito ng kanyang katawan.
“Graduated chemo January 2001 and 21 years and 9 months later am still doing my bi-annual tomographies like clock work.
View this post on Instagram
“I am always slightly anxious during these, which I have come to learn is good, as a survivor….so you never forget what you’ve been through or take your health for granted,” aniya sa caption ng kanyang IG post.
Pagpapatuloy ng aktres, “Every single day is a blessing, borrowed time if you will. Every survivor understands.
“Being in my 50’s, covid and being a survivor has given the term ‘health is wealth’ a whole new meaning. Thank you Jesus for every extra hour, day, month, year and decade.
“Life is truly a gift. I am grateful. Drink your barley everyday, it truly helps! Take it from me,” pahayag pa ni Maritoni.
Taong 2013 nang ibahagi niya sa publiko ang kanyang paglaban sa breast cancer. Sabi ni Maritoni 28 years old siya nang maramdaman niya ang pananakit ng dibdib pero hindi agad na-diagnose ang cancer.
Noong 2020, ibinandera niya ang good news sa publiko na cancer-free na siya after 20 years. Kasabay nito, pinaalalahan niya ang lahat na maging maingat sa sarili at magpatingin agad sa doktor kapag may nararandaman.
https://bandera.inquirer.net/295172/tracy-perez-napasabak-sa-extra-challenge-bago-naging-miss-world-ph-as-a-probinsyana-its-hard-talaga
https://bandera.inquirer.net/307434/direk-cathy-sa-cast-ng-my-papa-pi-challenge-silang-patahimikin-napakaingay-pag-nagsama-sama
https://bandera.inquirer.net/302751/mark-umaming-love-pa-rin-si-claudine-bet-uling-manligaw-hindi-pa-naman-huli-ang-lahat
https://bandera.inquirer.net/299382/rebelasyon-piolo-aga-parehong-naging-jowa-ni-pops
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.