PhilHealth may handog na libreng mammogram, breast ultrasound tests
GOOD news ngayong ipinagdiriwang ang Women’s Month!
Ayon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), magkakaroon ng libreng mammogram at breast ultrasound tests ang mga babaeng miyembro simula sa Hulyo.
Kada taon pwedeng i-avail ang nasabing serbisyo sa ilalim ng breast cancer prevention and detection package.
Ang magandang balita ay kinumpirma mismo ng chief executive officer na si Emmanuel Ledesma Jr. kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa isang pagpupulong, sinabi ni Ledesma kay Romualdez, “We will deliver, sir. We will not fail you; we need to deliver. We are really confident that we will be able to fulfill your request.”
Baka Bet Mo: Chynna Ortaleza may breast nodules: It’s fine…there is no cancer…
Pinuri naman ng House Speaker ang mabilis na aksyon ng PhilHealth at sinabing: “This is the best news we can give to the Filipino women, especially during Women’s Month.”
“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” dagdag pa niya.
Inihayag din ni Health Secretary Teodoro Herbosa na inatasan niya ang PhilHealth na isama ang mga serbisyo ng ultrasound at mammogram sa “Konsulta” benefits package nito para sa agarang pagpapatupad sa buong bansa.
“This will ensure sustainable financing of preventive health services that can catch cancer and other conditions early so that we can unload higher level hospitals within the health care provider network,” saad ni Herbosa sa isang pahayag.
Bukod diyan, tinaasan din ng health insurance company ang benefits package para sa breast cancer sa P1.4 million mula sa dating P100,000 noong nakaraang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.