BB Gandanghari nagpa-mammogram sa US: First time ko, totally feel like a woman | Bandera

BB Gandanghari nagpa-mammogram sa US: First time ko, totally feel like a woman

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 07:40 AM

BB Gandanghari

IBINALITA ng kapatid ni Robin Padilla na si BB Gandanghari ang pagpapatingin niya sa kanyang “boobs” kamakailan sa Amerika.

Ayon sa dating aktor na isa na ngayong proud transwoman, sumailalim siya sa mammogram procedure “for early detection of cancer.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpa-check ng dibdib si BB makalipas ang mahigit limang taon nang ma-legally recognize na ang kanyang gender bilang babae sa pamamagitan ng isang court order sa Los Angeles, California.

Siyam na taon nang naninirahan sa US si BB Gandanghari at nagtatrabaho bilang bookkeeper at accountant. 

Nag-post nga si BB tungkol sa pagsailalim niya sa mammogram, “First time to do this and totally feel like a woman… why? 

“Because only women do this for their yearly physical check up as required by the insurance and medical provider,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)


Sa isa pa niyang post, nagbigay ng update si BB sa kanyang followers tungkol dito kasabay ng paalala sa lahat na napakahalaga ng regular na pagpapa-check-up. 

“I’m going to get my results soon and I’m praying that I’ll be clear of any indication of early stages of #breastCancer… 

“Mammogram is very important for every woman, especially so when one is on Hormone Replacement Therapy like myself. 

“Mammography is the process of using low-energy X-rays to examine the human breast for diagnosis and screening. 

“The goal of mammography is the early detection of breast cancer, typically through detection of characteristic masses or microcalcifications,” ang isinulat pang caption ni BB Gandanghari sa kanyang IG post.

Bago naging BB Gandanghari, una munang nakilala ang utol nina Robin at Rommel Padilla bilang Rustom Padilla sa mundo ng showbiz.

Sa celebrity edition ng “Pinoy Big Brother” noong 2006 siya umamin sa tunay niyang pagkatao at inamin sa buong mundo na isa nga siyang beki.

Habang ongoing ang “PBB” noong panahong yun ay nagdesisyon si BB na mag-voluntarily exit makalipas ang mahigit isang buwang pananatili sa Bahay ni Kuya.

https://bandera.inquirer.net/297392/ogie-bb-muli-na-namang-nagsagutan-magkakaayos-pa-nga-ba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297142/bwelta-ni-ogie-kay-bb-ini-expect-ko-naman-na-titirahin-niya-ako
https://bandera.inquirer.net/296197/bb-gandanghari-kina-aljur-at-kylie-keep-your-dirty-linens-in-the-washroom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending