Cedrick Juan inalala ang paglabas sa ‘Iskul Bukol’, may misyon sa showbiz
MAS nabigyan ng malalim na kahulugan ang pagiging artista ni Cedrick Juan nang manalong Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2023.
Matapos itanghal bilang pinakamagaling na aktor sa taunang filmfest para sa pelikulang “GomBurZa”, nagsunud-sunod na ang guesting ni Cedrick sa iba’t ibang TV show.
Itinuring na “dark horse” ang aktor sa naganap na awards night dahil hindi inasahan ng karamihan na matatalo niya sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Alden Richards at Christopher de Leon.
View this post on Instagram
Kaya ang nasabi na lang ni Cedrick sa isang panayam matapos makuha ang kanyang best actor trophy, “Parang five Goliaths, versus one David.”
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros tinubuan ng bukol sa boobs pero biglang nawala matapos magdasal sa mga simbahan sa Cebu at Bohol
Sabi naman ng binata sa panayam ni Bernadette Sembrano para sa “Tao Po, “Sobrang overwhelming talaga siya sa akin. Hindi ako nag-ready.”
Sa mga hindi pa masyadong aware, nag-start ang acting career ni Cedrick sa mga stage play
hanggang sa mapasabak na siya sa indie films at sa ilang drama anthology sa TV.
May mga nagawa na rin siyang sexy movie sa Vivamax, kabilang na ang isang gay movie kung saan nakasama niya ang “Senior High” actor na si Miggy Jimenez.
Kuwento ni Cedrick sa naturang panayam, “I think ang pinakauna kong napasukan, ‘Iskul Bukol.’ Ang bida pa nu’n sina SamYG and Alwyn Uytingco. Parang kami yung mga regular students kami sa background.
“Du’n ko unang na-meet sina Jerald Napoles, sina Lau Rodriguez na mga somehow pumapasok sila slowly sa industry from theater,” pagbabalik-tanaw ng MMFF 2023 best actor.
View this post on Instagram
Sey pa ni Cedrick, ang feeling niya, may mas makahulugang mission pa siya sa mundo ng showbiz matapos magwaging best actor.
Baka Bet Mo: Cedrick Juan super cry nang manalong best actor sa MMFF 2023; may panawagan
“Alam ko malaking responsibility ang nakuha nitong MMFF. Sabi ko nga po, it’s the way of universe, ni Lord, gamitin mo, i-extend mo ‘yung craft mo pa to influence more people.
“And at the same time sa role ni Padre Burgos ng ‘GomBurZa’ na sobrang significant niya na even nowadays, sana huwag mawala ‘yung integrity na ‘yun.
“And ako ‘yun ‘yung goal ko talaga, nandiyan yung integrity natin as an artist, nabigyan ka ng opportunity na ‘to, so gamitin mo siya ng mas meaningful, mas productive,” paliwanag pa ni Cedrick.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.