Melai Cantiveros tinubuan ng bukol sa boobs pero biglang nawala matapos magdasal sa mga simbahan sa Cebu at Bohol | Bandera

Melai Cantiveros tinubuan ng bukol sa boobs pero biglang nawala matapos magdasal sa mga simbahan sa Cebu at Bohol

Ervin Santiago |June 28,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros tinubuan ng bukol sa boobs pero biglang nawala matapos magdasal sa mga simbahan sa Cebu at Bohol

Ervin Santiago - June 28, 2023 - 07:53 AM

Melai Cantiveros tinubuan ng mga bukol sa boobs pero biglang nawala matapos magdasal sa mga simbahan sa Cebu at Bohol

Melai Cantiveros, Regine Velasquez at Jolina Magdangal

INATAKE ng takot at pag-aalala ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros nang malaman niyang meron siyang mga bukol sa kanyang dibdib.

Ayon kay Melai, nalaman niya na may lumps siya sa dibdib matapos niyang i-check ang kanyang boobs ngunit wala raw siya talagang pinagsabihan nito kahit pa sa pamilya niya.

Sa episode kahapon ng “Magandang Buhay”, sinabi ng komedyana na first daw niya itong ibinalita sa kanilang programa kaya naman nagulat din ang kanyang mga kasamahan sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


“Parang nagkaroon ako ng bukol sa may boobs kasi. Ngayon ko lang ito sasabihin, hindi rin ito alam ng family ko.

“Noong nagbakasyon ako ng Cebu, ang goal ko talaga na mapuntahan ang mga simbahan doon at sa Bohol. Doon ako nag-pray,” ang rebelasyon ni Melai.

“Nawala talaga ‘yung mga bukol na hindi pa ako nagpa-check up. Iba ‘yung bukol kasi matigas, eh. Ito talaga, sabi ko my God Lord!

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

“Ipinag-pray ko talaga. Dapat magpapa-check up na ako after ng cycle na ito (taping nila sa Magandang Buhay). Bago ako magpa-check up, sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala.

‘Hindi na ako mag-iisip.’ Kasi pumapasok na kung anu-anong negative sa isip ko,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Masayang ibinalita ng komedyana na talagang nawala ang takot at matinding pag-aalala niya nang mapansin niyang wala na ang lahat ng bukol sa dibdib niya.

Dito, muli raw niyang napatunayan ang power ng pananampalataya at ang paglapit sa Diyos sa tuwing may nararamdamang takot at pangamba.

“In Jesus’ name, nawala. Grabe talaga si Lord. Kaya sinabi ko, simula ngayon, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-anong negative kasi alam ko si Lord nandiyan,” pagbabahagi pa ni Melai.

Maine siguradong matindi rin ang pag-aalala kay Arjo matapos magpositibo sa COVID-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ellen pinatanggal na ang breast implant dahil sa side effects, hirit ni Derek: ‘I miss your old boobs!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending