Bongbong Marcos: Lubusin ang long weekends ngayong 2024

Bongbong Marcos: Lubusin natin ang long weekends ngayong 2024

Therese Arceo - January 05, 2024 - 04:29 PM

Bongbong Marcos: Lubusin natin ang long weekends ngayong 2024

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

ISANG paalala ang hatid ni Pangulong Bongbong Marcos para sa publiko hinggil sa mga paparating na long weekends ngayong 2024.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, January 4, sinabi niya na dapat ay lubusin at gamitin ang paparating na mga long weekend kasama ang mga mahal sa buhay.

“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” saad ni Bongbong.

Pagpapatuloy pa niya, “Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon.”

Base sa post ni Bongbong, ang mga petsa ng holidays at long weekend ay mula March 29-31 (Maundy Thursday to Easter Sunday), August 24-26 (National Heroes Day), November 1-3 (Undas), at December 28-31 (Rizal Day hanggang New Year’s Eve).

Baka Bet Mo: Bong Revilla umapela kay Pres. Bongbong Marcos na i-lift ang suspensiyon ng ‘It’s Showtime’: Consider the welfare of all the staff and crew

October 2023 pa lang nang ilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holidays para sa 2024.

Hindi kasama sa listahan ng holiday ang 38th EDSA People Power ngayong taon.

Paliwanag ng office of the President, hindi ito nakasama dahil tatapat ang February 25 sa araw ng Linggo ngayong taon.

Samantala umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni Bongbong.

“Ngayon Palang e atras mo ng Friday yung nasa Monday na regular holiday,pra wala ng aasa na my holiday pa ang monday at Pa atras na rin ng presyo ng bigas sa 20 ..ty,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa sa post ni Bongbong, “Go go PBBM I always here for you to support this administration your really good governance in our Nation..”

“Long weekend nga pero di maiiwasang maisip saan kukuha ng mga panggastos sa hirap ngayon ng sitwasyon. Baka naman po. pakinggan nyo kaming mahihirap na mamamayan nyo,” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending