Pangulong Bongbong ilang beses nakaranas ng kababalaghan sa Malacañang: Nagsisigaw ako, ‘May multo, may multo!’
KAHIT pala ang ating Pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay hindi rin nakaligtas sa mga sinasabing ligaw na kaluluwa sa Palasyo ng Malacañang.
Nakiuso rin si President Bongbong sa pagse-share ng mga kuwentong katatakutan at kababalaghan ngayong panahon ng Undas.
Partikular na ibinahagi ni PBBM ang mga makatindig-balahibong karanasan niya sa loob mismo ng Malacañang.
Sa isang Facebook video, binalikan ng pangulo ang pagtira nila sa Palasyo noong presidente pa ang ama niyang si Ferdinand Marcos, Sr.. Aniya, meron talagang ilang bahagi ng Malacañang na tila pinamumugaran ng mga espiritu.
Kuwento ni PBBM, isa sa mga nakakakilabot na karanasan niya roon ay nangyari sa isang guest room malapit sa state dining room kung saan ginaganap ngayon ang mga Cabinet meetings.
“Itong mga kwentong ito ay hindi ko pa naikukuwento sa mga anak ko, baka matakot kasi eh,” ang simulang pagbabahagi ng Pangulo sa kanyang vlog kasama ang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.
“Since Undas, Halloween naman, kukuwentuhan ko muna kayo ng mga karanasan ko dito, lalo na nu’ng kabataan ko,” aniya pa.
Unang kuwento ni PBBM, “Gabing-gabi na, umuwi ako. Sinasara ko lang ‘yung pintuan mula du’n sa kuwarto ko. Pagbukas ko ba naman ng pintuan, nakita ko biglang gumalaw ‘yung mga upuan!”
“‘Di nagsisisigaw ako dito at tumakbo ako. Sinabi ko sa security, ‘May multo, may multo!'” ang super laugh na kuwento ng Presidente.
Baka Bet Mo: Bela Padilla ayaw na ayaw gumawa ng horror movies: ‘Sobrang takot na takot ako sa multo!’
Kasunod nito, minsan na rin daw silang magkayaaang magkakaibigan na mag-ghost hunting noon sa Malacañang, “Nandito ako kasama ko mga kaibigan ko, siguro mga anim kami.
View this post on Instagram
“Pumunta kami doon sa medyo madilim na lugar, ghost hunting talaga ang ginawa namin, malakas ang loob namin dahil marami kami eh.
“Yung isang kaibigan ko, bubuksan niya ‘yung pintuan, bago niya nahawakan ‘yung door knob, bumukas na ‘yung pinto nang mag-isa. Naku! Ang sigaw talaga namin!” paglalahad pa niya.
Naganap daw yun bandang alas-2 ng madaling-araw at dahil sa takot nila binuksan nila ang lahat ng ilaw sa kuwarto nila at nagpatugtog ng malakas.
Reaksyon naman ni Rep. Sandro Marcos, “I still find that hard to believe.”
Baka Bet Mo: Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?
“Ay naku! It’s true,” sagot ng kanyang ama.
Ang sabi raw ng security staff sa Pangulo, posibleng ang kaluluwa raw ng isang “Father Brown” ang nagparamdam sa kanila na matagal na umanong “naninirahan” sa Palasyo at “nananakot” sa mga taong nananatili roon.
Kaya naman agad nag-research sina PBBM tungkol dito at nalaman nga nila na totoong may Father Brown nga na nagtrabaho noon sa Malacañang noong panahon ng mga Amerikano.
“At mukhang hindi na umalis,” ang hirit pa ng Pangulo.
Bukod dito, may mga pagkakataon ding kusang gumagalaw ang mga chandeliers sa isang area sa Palasyo kahit walang lindol o malakas na hangin.
Dagdag pang pagbabahagi ni PBBM, may “something” din siyang nararamdaman kapag umaakyat sa formal stairs ng Malacañang lalo na kapag mag-isa lamang siya.
Pakiramdam daw niya ay may taong nakatingin sa kanya mula sa likuran, “Kung minsan, lalo na ‘pag gabi, at mag-isa ka, lalo na kapag nakaakyat dito sa front door, yung pormal na hagdan na papasok sa Palasyo, minsan, actually ilang beses na nangyari sa akin, pag-akyat ko na ganoon, ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa akin doon sa likod.
“Paatras tuloy ako na aakyat dahil nakakatakot, alam niyo naman kung minsan, kapag naglalakad ka, mararamdaman mo kapag may nakatingin sa ‘yo eh, may sumusunod sa ‘yo eh, ganoon ang pakiramdam ko,” ang rebelasyon pa ni Pangulong Bongbong.
Kaya naman pagkatapos marinig ang mga nakakalokang ghost stories ng kanyang ama, ang tanging nasabi na lang ni Sandro, “Kukuha na lang ako ng condo sa malapit.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.