Enrique Gil kay Liza Soberano: I’ll always have your back no matter what
ISANG short but sweet message ang alay ng aktor na si Enrique Gil para kay Liza Soberano.
Nitong Huwebes, January 4, nag-upload ang Kapamilya actor sa kanyang Instagram story ng larawan nila ni Liza bilang pagbati sa 26th birthday ng dalaga.
Ginulat ng aktor na si Enrique Gil ang kanyang mga tagahanga nang mag-post ito ng mensahe para sa kaarawan ng ex-girlfriend niyang si Liza Soberano.
Ayon sa binata, mananatili siyang kakampi ng dalaga kahit ano pa ang mangyari.
“Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji],” saad ni Enrique.
Marami naman ang naging masaya lalo na ang kanilang mga tagasuporta lalo na’t nitong nakaraang taon lang nang kumalat ang balitang totoong hiwalay na sila.
Baka Bet Mo: Enrique Gil may update sa ‘relationship status’ nila ni Liza, magbabalik showbiz after 3 years
View this post on Instagram
Noon pa man ay napapabalita nang nagtapos na ang mahigit limang taong relasyon nina Enrique at Liza dahil naging long distance na ang kanilang relasyon matapos magdesisyon ang dalaga na i-pursue ang career nito sa Hollywood.
Sa kabila ng hindi matapos-tapos na chika ay walang naging pag-amin ang dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Pinabulaanan pa nga ito ni Enrique noong April 2023 nang tanungin siya ukol sa break up nila ni Liza.
“We’re good, we’re good.
“She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good,” saad ni Enrique.
Dagdag pa niya, “Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”
Samantala, may unreleased interview raw si Liza kung saan inamin niya na talagang wala na sila ni Enrique pero nakiusap ito na huwag nang ilabas sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.