Enrique Gil may update sa ‘relationship status’ nila ni Liza, magbabalik showbiz after 3 years
MUKHANG hindi totoong naghiwalay na ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Nang tanungin kasi si Enrique sa isang panayam ng ABS-CBN, sinabi niya na maayos pa rin sila ni Liza at pareho silang abala ngayon sa kanya-kanyang karera.
“We’re good. We’re good,” sey ng aktor sa current relationship status with Liza.
Chika pa niya, “You know I’m busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing more on international work which is super super good for her.”
Baka Bet Mo: Liza Soberano, Enrique Gil spotted na magkasama sa isang party, fans nagdiwang!
Tiniyak pa nga ng aktor na kahit busy sila pareho ng aktres ay all-out support naman ang natatanggap nila mula sa isa’t-isa.
“You know kahit super busy kami we still support each other no matter what. Yeah! super happy for her, super happy for me too,” ani ni Enrique.
Matatandaang naging usap-usapan sina Liza at Enrique sa social media matapos ibalita ng dating talent manager ng dalaga na si Ogie Diaz na tuluyan na raw naghiwalay ang dalawa.
Nauna nang dinenay ng couple ang chikang break na sila ngunit marami pa rin ang hindi kumbinsido.
Samantala, excited na ang aktor sa kanyang showbiz comeback matapos ang tatlong taong pagpapahinga sa trabaho.
Sa kanyang pagbabalik kasi ay mayroon na agad siyang pelikula na ginagawa.
Ito ang comedy film na pinamagatang “I am not Big Bird” na isasagawa ang taping sa Thailand.
Bukod diyan, ibinunyag din ni Enrique na may mga kasunod pa siyang mga proyekto na dapat abangan din ng fans.
Kwento niya, “Meron [pang mga susunod na aabangan]. I have one concept that I really want to work on. ‘Yun talaga ‘yung matagal ko ng konsepto na I really want to bring it to life.”
“And then there’s one other movie I am doing, will be shot in Finland, comedy again. We will be launching it soon so hindi ko pa pwede sabihin. But we are moving,” ani pa niya.
Nabanggit din ng aktor na umaasa siyang magkakaroon din siya ng teleserye with ABS-CBN, lalo na’t may inihain siyang konsepto na nais niyang gawin.
Related Chika:
Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.