Pakiusap ni Lolit Solis sa mga apektado sa relasyon nina Heart at Chiz: 'Let them love each other in their own way' | Bandera

Pakiusap ni Lolit Solis sa mga apektado sa relasyon nina Heart at Chiz: ‘Let them love each other in their own way’

Ervin Santiago |December 30,2022
facebook
share this

Pakiusap ni Lolit Solis sa mga apektado sa relasyon nina Heart at Chiz: ‘Let them love each other in their own way’

Ervin Santiago - December 30, 2022 - 08:21 AM

Pakiusap ni Lolit Solis sa mga apektado sa relasyon nina Heart at Chiz: 'Let them love each other in their own way'

Chiz Escudero at Heart Evangelista

KUNG babalikan ang nakaraan, isa ang talent manager at dating online host na si Lolit Solis sa mga hindi naniwalang naghiwalay na ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Ang sabi dati ni Nanay Lolit, nararamdaman niyang mahal na mahal ng celebrity couple ang isa’t isa kaya aniya, imposibleng nagkanya-kanya na ng landas ang mag-asawa.

Sa kanyang Instagram account, nagpahayag muli si Nanay Lolit patungkol sa relasyon nina Heart at Chiz matapos ngang magparamdam ang Kapuso actress about Chiz.

“Naniwala ka sa akin Salve na hindi hiwalay sila Heart Evangelista at Chiz Escudero.

“Kasi nga talaga naman they love each other, at lahat naman ng couple meron ganyan mga oras sa kanilang pagsasama na nagkakaruon sila ng konting lover’s quarrel,” sey ng talent manager sa kanyang IG post nitong Huwebes, December 29.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Patuloy pa niya, “Mukha naman maganda ang chemistry ng dalawa, mukha din alam nila ang weakness at strength ng isa’t isa.

“At mukhang dedicated naman sila na maging maayos ang kanilang pagsasama. So sana naman huwag ng idagdag ang pressure ng mga outsiders sa anuman desisyon nila Heart at Chiz.

“Let them love each other in their own way. Hayaan natin sila para maging mas matibay ang kanilang pagsasama.

“Mukhang very loyal na tao si Heart who will stay sa tabi ng mahal niya kahit ano pa ang mangyari. At mukha naman ilalaban siya ni Chiz sa anuman mangyari. Be in love and be together, all the time. Chiz and Heart, forever,” aniya pa.

Kamakailan, nag-post nga si Heart sa kanyang IG na pinaniniwalaang may kaugnayan sa isyu ng hiwalayan nila ni Chiz. Sabi ng aktres, siguradong uuwi na raw siya sa Pilipinas para dito mag-celebrate ng Bagong Taon.

“Living between 2 worlds, Paris and Manila. 2 clocks in one @philipsteinph. Walking around Paris before heading home for New Year,” aniya sa caption.

Sinundan pa niya ito ng mensaheng, “Ps. See you soon @escuderochiz (heart at cheese emoji).”

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending