Cristy Fermin balak sampahan ng cyber libel ang ama ni Liza Soberano

Cristy Fermin balak sampahan ng kasong cyber libel ang ama ni Liza Soberano

Therese Arceo |December 13,2023
facebook
share this

Cristy Fermin balak sampahan ng kasong cyber libel ang ama ni Liza Soberano

Therese Arceo - December 13, 2023 - 02:10 PM

Cristy Fermin balak sampahan ng kasong cyber libel ang ama ni Liza Soberano

Cristy Fermin

BALAK ng kolumnistang si Cristy Fermin na sampahan ng kaso ang ama ni Liza Soberano na si John Soberano dahil sa mga sinabi nito laban sa kanila ni Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendell Alvarez, napag-usapan nila ang mga pahayag ng ama ng aktres laban sa kanila.

“Hindi binantayan ang kanyang dila at emosyon at inaway-away niya po ako lalo na ang dating manager ng kanyang anak na si Ogie Diaz,” panimula ni Cristy.

Matatandaang nag-post noon ang ama ni Liza sa kanyang Facebook account ng mga hindi magagandang salita laban sa dalawa at pinagmumura rin niya ang mga ito.

Kaya nga labis ang pagtataka nina Cristy dahil ang pinag-uusapan naman na noong mga panahong ‘yun ay ang hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kilala rin bilang KathNiel.

“Marami naman akong nakikitang mga magulang ng mga artista na nagsasalita rin naman ng kanilang mga emosyon pero hindi ganitong ang mga salitang ginagamit ay bastos na nagmumura.”

Baka Bet Mo: Ama ni Liza Soberano gigil na gigil kay Ogie Diaz at Cristy Fermin, bakit kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa ngayon ay burado na naman ang mga posts ni John lalo na ang pagmumura nito kina Cristy at Ogie dahil sa umano’y pangingialam nito sa buhay ng iba lalo na ng mga celebrities.

Cristy Fermin nagbigay ng ‘Christmas gift’ sa ama ni Liza

Aniya, pwede naman daw silang sitahin sa maayos na paraan lalo na kay Ogie dahil ilang taon na rin silang nagsama noong mga panahong ito pa ang talent manager ng kanyang anak.

“Ako naman po ay tinatanggap ko ang ganyang mga komento lalo pa kung hindi naman mahalaga ‘yung tao sa akin pero para murahin ang aking namayapang ina na sobrang minamahal ko at lagi kong pinagdarasal na sana’y kasama ko pa para kahit paano’y mapasaya ko,” sabi ni Cristy.

Dagdag pa niya,”Hindi ako papayag kahit sinong magmura sa nanay ko. Walang anak na papayag na murahin ang kanyang ina ng isang taong hindi kami kilala at si Ogie na napakalaki ng naitulong sa kanilang pamilya.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naiyak nang ipagtanggol si Ogie Diaz sa bashers

At dahil panahon na nga ng Kapaskuhan at bigayan ng regalo, isang bagay rin ang handog ni Cristy kay John.

“Personal na kaming nagkita ng aking abogado na si Atty. Ferdie Topacio at personal nang inihain sa kanya ang demand letter na kailangan niyang bawiin ang kayang mga ipinost sa loob ng limang araw na ibinibigay sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag hindi n’ya ‘yun binawi at kami ay ginamot kung saan niya kami sinaktan, tuloy ang cyberlibel. Kailangang binibigyan ng leksyon ang mga taong nakalilimot sa kagandahang asal,” chika ni Cristy.

Sa ngayon ay wala pang pahayag o reaksyon ang kampo ng ama ni Liza hinggil sa aksyong ginawa ng kolumnista laban sa kanyang mga social media posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending