Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro sa 'Batang Quiapo'

Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro Manio sa ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago |January 04,2024
facebook
share this

Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro Manio sa ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago - January 04, 2024 - 03:51 PM

Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro Manio sa 'Batang Quiapo'

Jiro Manio at Coco Martin

MARAMING naaawa at nanghihinayang sa dating child actor na si Jiro Manio dahil sa kinahinatnan ng kanyang buhay at showbiz career.

Usap-usapan na naman ngayon si Jiro matapos ibinenta ang kanyang Best Actor trophy na napanalunan niya sa Gawad Urian noong 2020 para sa pelikulang “Magnifico.”

Ayon sa hindi na aktibong aktor, kailangan daw niyang gumawa ng paraan para mabuhay at itaguyod ang kanyang pamilya dahil na rin sa hirap ng kanilang sitwasyon.

Nagtatrabaho ngayon si Jiro bilang volunteer sa isang ahensiya ng pamahalaan kaya wala raw talaga siyang pinagkakakitaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jiro Katakura (@jiromanio)


Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang ibenta ang kanyang Best Actor award sa “Pinoy Pawnstars” ng content creator at collector na si Boss Toyo.

Nu’ng una ay nagkatawaran pa sina Jiro at Boss Toyo hanggang magkasarahan sila sa last price na P75,000.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

Maraming nagkomentong netizens na sana’y mabigyan muli ng pagkakataon si Jiro sa showbiz dahil may talento naman talaga ito sa pag-arte.

May nga nanawagan naman sa Teleserye King ng ABS-CBN na si Coco Martin na kunin din si Jiro Manio sa “FPJ’s Batang Quiapo” para magkaroon ito ng regular na pagkakakitaan.

Narito ang ilan pang reaksyon ng netizens sa muling paglabas ni Jiro Manio.

“Solid to si jiro. konting diet lang at gym bumalik ka sa pag arte madami kami naniniwala sayo napakahusya mo.. sana going straight ka na idol iwanan mo na ang pinagbabawal na gamot… god bless you jiro!”

“Lahat nang bgay na nangyayari sa buhay na pag kakamali, may pag asa. Jero is the one best child actor and hopefully he had another chance to show his talent in showbiz. we always support u jero, batang 90’s.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Sana Kunin ka ni Mr.Coco Martin mabigyan ka uli ng break ulit . Napaka galing mo actor alam nmen na kaya mo uli bumalik sa pag artista . Malaki na nabago sa sarili mo ngaun tuloy tuloy mo lang idol at lagi ka mag dasal. God less boss Toyo ”

Baka Bet Mo: Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz

“Paging Mr. Coco Martin baka puwede naman maisama si Jiro sa Batang Quiapo?”

“Humingi ka ng tulong kay Coco, for sure tutulungan ka no’n.”

“Sana magtuloy tuloy na yung pagbabagong buhay nia!I respect him aside from being a great actor but in putting himself into volunteering job in a Rehabilitation Center is a wonderful act of showing as a good example sa pagbabagong buhay ng mga nalululong sa bisyo!”

“May chance ka pa Jiro! Sana bumalik ka sa pag-arte.”

“Sana mabgyan sya ulit ng chance umakting , sana kunin ni Coco Martin . Husay nyan na aktor. Magnifico.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang tinulungan na noon ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas si Jiro nang malulong ito sa bisyo. Ipina-rehab niya ito at sinuportahan sa mga pangangailangan nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending