Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz | Bandera

Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 11:00 AM

Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz

Jiro Manio

MUKHANG tuluy-tuloy na nga ang pagbabago ng dating child actor na si Jiro Manio matapos mapariwara nang dahil sa ilegal na droga.

Nagsisilbing co-facilitator ngayon si Jiro sa DOH Treatment and Rehabilitation Facility sa Bataan nang matapos na niya ang kanyang pagpapa-rehab na tumagal din ng ilang taon.

Ayon kay Jiro, siya na ang nagdesisyon na mag-stay sa nasabing facility kahit na magaling na magaling na siya mula sa pagkalulong sa mga bisyo.

Sa interview ni Julius Babao, naibahagi nga ni Jiro ang mga pinagdaanan niya noong naadik siya sa droga at ang mga bagong challenges na kinakaharap niya ngayong nagbagong-buhay na siya.

Kuwento ng aktor, nag-decide siyang maging volunteer staff sa DOH Treatment and Rehabilitation Facility para na rin mapanatili ang maayos niyang sitwasyon at maiwasang maligaw muli ng landas.

“Ang sabi nila dito na lang daw muna ako kasi baka paglumabas ako, kung saan-saan na naman ako pumunta,” sabi ni Jiro.

Ngayong maayos na uli ang kanyang kundisyon at tuluyan nang kinalimutan ang lahat ng kanyang bisyo, hindi pa rin daw niya nakikita ang sarili na nagbabalik-showbiz.

“Yan po ang di ko masasagot. Ngayon, magpapaka-busy ako sa recovery. Nagkaroon ako ng maling experiences du’n.

“Nabalitaan nila na nagbisyo ako ng mali. Nasira ko yung tiwala nila, ng ibang mga tao sa pag-aartista. Kaya kapag naiisip ko or inaalok ako, hindi ako makasagot agad,” paliwanag niya.

May mga natatanggap pa rin daw siyang offer na showbiz projects pero hindi pa niya nararamdaman na ito na ang tamang panahon para muling mag-artista.

Baka Bet Mo: ‘Joey de Leon’ arestado dahil sa droga, pang-6 sa ‘most wanted person’ sa QC

Pero aniya, “May pagkakataon na feeling ko artista pa rin ako kahit saan ako magpunta.

“Tsaka ginagamit ko yung karisma ko kapag kailangan para ako yung mapansin. Kapag nagpunta ako sa isang lugar, si Jiro Manio yung dating artista. Marami pa ring nagpapa-picture.

“Ang daming nag-aalok sakin ngayon. Sabi ko di ko alam kasi ang dami nang nabago ngayon, eh.

“Di ko alam kung ano magiging role ko. Baka mahirapan ako. Nandu’n pa rin yung pangalan ko eh. Alam kong kilala pa rin ako ng mga tao,” aniya pa.

Sa tanong kung may mga pinagsisihan siya sa mga nagawa niyang sablay noon sa kanyang buhay at career, “Wala naman po (regret) kasi hindi naman naging hadlang sakin yung drugs para huminto sa buhay.

“Kumbaga naging part po siya ng experience at ng buhay ko para din sa sarili ko. Kung hindi man ako napunta dun, o napunta man ako du’n, at least mayroon akong halimbawa na pwede kong salaminin sa sarili ko,” aniya pa.

Sumikat nang husto si Jiro nang magbida siya sa award-winning movie na “Magnifico” kung saan ilang beses siyang nanalong best child actor.  Tinulungan din siya noon ni Ai Ai deals Alas at ipinasok sa rehab.

Amy Austria 6 years nakipaglaban sa droga: ‘Sabi ko, Lord tanggalin mo na ‘to hindi ko na kaya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho…payag naman kaya ang mga taga-showbiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending