Jiro Manio ibinenta ang Gawad Urian trophy kay Boss Toyo
BUMISITA ang kilalang former child star na si Jiro Manio sa tindahan ni Boss Toyo upang magbenta ng kanyang prestigious award.
Sa nagdaang episode 301 ng kanyang YouTube vlog na “Pinoy Pawnstars” ay personal na dinala ng aktor ang kanyang Gawad Urian trophy nang manalo siya bilang Best Actor.
Ito ay napanalunan ni Jiro noong 2004 para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Magnifico”.
“Kasi Boss [Toyo], plano ko talaga noong napanood kita, sabi ng utol ko, magtatayo ka raw ng museum.
“Naisip ko, ‘sana mapabilang ako doon sa mga dating artista na nakatanggap ng award,'” pagbabahagi ni Jiro.
Agad naman itong kinontra ni Boss Toyo at sinabing artista pa rin siya sa kanilang paningin at nilu-look up pa rin nila ito kahit hindi na siya aktibo sa pag-arte.
Baka Bet Mo: Dating child actor na si Jiro Manio co-facilitator na sa pinasukang rehab; ayaw munang bumalik sa showbiz
Tinanong nga ni Boss Toyo kung magkano ibinibenta ni Jiro ang kanyang prestihiyosong award na natanggap.
Pinresyuhan niya ito ng P500,000 pero tinawaran ni Boss Toyo.
Sa huli ay naibenta ni Jiro ang award sa halagang P75,000.
“Mataas ang respeto pa rin namin at tingin namin sa ‘yo. Never made-degrade ‘yun kahit na ano pa man kasi ‘yung na-contribute mo sa pinilakang tabing… hindi nila maaalis ‘yun,” mensahe ni Boss Toyo.
Matatandaang noong 2015 nang muling umingay ang pangalan ni Jiro matapos siyang mamataang palaboy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Isa nga ang kanyang nanay-nanayan na si Ai-Ai delas Alas sa mga nagpaabot ng tulong para sa dating child actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.