Ai Ai delas Alas, Jiro Manio muling nagkita

Ai Ai delas Alas, Jiro Manio muling nagkita

Therese Arceo - November 01, 2024 - 11:32 PM

Ai Ai delas Alas, Jiro Manio muling nagkita

MULING nagkasama ang Kapuso comedy queen na si Ai Ai delas Alas at ang dating child actor na si Jiro Manio.

Sa inilabas na balita ng GMA Integrated News noong Linggo, October 27, naganap ang muling pagkikita nc dalawa sa isang episode ng “My Mother, My Story” ni Asia’s King of Talk Boy Abunda.

Pagbabahagi ni Jiro, na-touch siya dahil matapos ang mahabang panahon ay ngayin na lang sila nagkita ng kanyang nanay-nanayang si Ai Ai.

“Sa kabila po ng mga tulong na ibinigay sa akin, mga pag-alala, ‘yong mga hindi ko makakalimutang pinagsamahan namin noon,” lahad ni Jiro.

Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas masakit magsalita sa mga anak kapag nagagalit, namana sa ina

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kumbaga, mas pinili ko pong magbago hindi lang para sa sarili kundi para sa mga naging inspirasyon ko po tulad po ni Mommy Ai Ai,” sey pa ni Jiro.

Bago pa nangyari ang kanilang pagkikita ay nasabi na ng Kapuso comedy queen na bet niyang makasamang muli ang aktor sakaling gumawa siya ng bagong pelikula.

“Dream kong gawin ‘yong ‘Tanging Ina: The Reunion.’ Kasi bakit ko ba naisip ‘yon? Dahil parang minsan sa TikTok nakita ko si Xyriel na dalagang-dalaga na ‘yong bata,” lahad ni Ai Ai.

Dagdag pa niya, “And of course, si Jiro ‘di ba? Gusto kong magkaroon ulit siya ng movie. E, kasama naman siya do’n sa Star Cinema.

Kamakailan ay muling umingay ang pangalan ni Jiro nang bumisita siya sa tindahan ng social media personality na si Boss Toyo noong Enero para ibenta ang natanggap na trophy sa prestihiyosong Gawad Urian dahil kapos sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending