Niño ibinenta kay Boss Toyo ang FAMAS trophy hindi dahil sa pera

Niño ibinenta kay Boss Toyo ang FAMAS trophy hindi dahil sa pera

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 08:22 AM

Niño ibinenta kay Boss Toyo ang FAMAS trophy hindi dahil sa pera

Niño Muhlach

HINDI dahil sa pera kaya ibinenta ng dating child wonder na si Niño Muhlach ang kanyang FAMAS trophy sa content creator at collector na si Boss Toyo.

Nabili ni Boss Toyo sa pamamagitan ng kanyang “Pinoy Pawnstar” ang Best Child Performer award ni Niño mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS sa halagang P500,000.

Marami ang nanghinayang sa pagbebenta ng aktor sa kanyang tropeo at hati ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito.

Ayon sa ilang supporters ni Niño, hindi naman daw siguro naghihirap ang aktor para magbenta ng mahahalagang kagamitan. Sayang na sayang naman daw ang kanyang FAMAS trophy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


Nagpaliwanag naman si Niño sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung bakit niya ibinenta kay Boss Toyo ang isa sa kanyang mga tropeo.

Ayon sa dating child star, mismong si Boss Toyo raw ang tumawag sa kanya at nagkainteres na bilhin ang isa sa kanyang FAMAS trophy.

“Hindi kasi, Tito Boy ‘yung ibang nagdadala doon, sila ‘yung lumalapit. Ako, tinawagan ako ni Boss Toyo and then he was telling me nga na merong nag-offer sa kanya ng FAMAS award ng child star.

“Pero hindi raw niya binili because para sa kaniya ang child star talaga na (sa isipan) niya was Niño Muhlach,” aniya pa.

Feeling din daw niya ay mas maaalagaan ang kanyang trophy kung mapupunta at idi-display ito sa ipinatatayong museum ni Boss Toyo.

“I have 5 awards, e, nakatambak lang sa bahay Tito Boy hindi ko naaalagaan. So ang usapan namin ni Boss Toyo, ‘Sige I’ll sell it to you pero may deal, kailangan i-restore mo na magmumukhang bago and idi-display mo sa museum at hindi mo puwedeng ibenta.’

“Idi-display niya sa museum niya na forever na makikita ng mga tao,” kuwento pa ni Niño.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


Kung matatandaan, nabili rin ni Boss Toyo na kilala na ngayon bilang memorabilia collector (mula sa mga sikat na celebrities) ang Gawad Urian Best Child Actor ni Jiro Manio sa halagang P75,000.

Nabili rin ni Boss Toyo noong 2023 ang jersey na pag-aari ng yumaong master rapper na si Francis Magalona mula sa nagpakilalang dating karelasyon nito na si Abegail Rait.

Ang naibentang jersey ni Francis M na naiwan sa pangangalaga ni Abegail ay may kasamang handwritten letter ng OPM icon para raw sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging kontrobersyal pa nga ang bentahan dahil ipinakilala rin ni Abegail ang umano’y anak nila ni Francis M na si  Gaile Francesca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending