Gloria Diaz nagluluksa kaya hindi nakadalo sa FAMAS Awards

Gloria Diaz nagluluksa kaya hindi nakadalo sa FAMAS Awards

Reggee Bonoan - June 03, 2024 - 10:31 AM

Gloria Diaz nagluluksa kaya hindi nakadalo sa FAMAS Awards

Gloria Diaz at Leo Dominguez

MAY balidong rason pala kaya hindi nakadalo si Ms. Gloria Diaz sa 72nd FAMAS Awards Night para personal na tanggapin ang kanyang Best Supporting Actress trophy para sa pelikulang “Mallari”.

Nagluluksa raw ang beteranang aktres nu’ng araw na yun sa pagkamatay ng kanyang kaibigan at talent manager na si Leo V. Dominguez.

Si Mentorque producer Bryan Dy ang tumanggap ng tropeo ni Ms. Gloria on her behalf at pinasalamatan nito ang pamunuan ng FAMAS sa pagkakahirang bilang best actress sa ipinrodyus nitong pelikula.

Baka Bet Mo: Kathryn, Piolo, Alfred waging-wagi sa FAMAS 2024, ‘Mallari’ big winner

Sulit ang hirap ni Miss U (tawag kay Gloria) sa movie lalo na nu’ng naka-harness siya nang ilang oras sa shooting ng “Mallari”.

Sa mismong Gabi ng Parangal noong Mayo 26 ay nasa wake ni Leo si Ms. Gloria kasama ang ilang kaibigan at talents ng yumaong manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod dito ay nabanggit pa ng ilang close kay Ms. Gloria ma hindi niya kayang ipakitang nagsasaya siya gayung sobrang lungkot niya.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz napamura sa ginawa ng FAMAS kay Eva Darren: Mga palaka kayo

Anyway, hindi naman naulit ni JC Santos na masungkit ang Best Supporting Actor award sa “Mallari” tulad ng nangyari sa Metro Manila Film Festival 2023 dahil nasilat siya ni LA Santos para sa pelikulang “In His Mother’s Eyes.”

Nadagdagan ng dalawang award ang “Mallari” sa nakaraang FAMAS nang maiuwi nila ang Best Picture, Best Screenplay, Best Production Design, Best Visual Effects, Best Supporting Actress at Best Actor kumpara sa MMFF kung saan nakakuha naman sila ng apat na tropeo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending