Yassi sinalubong ang 2024 kasama si Luigi: Aamin na yarn!

Yassi sinalubong ang 2024 sa Vietnam kasama si Luigi: Aamin na yarn!

Ervin Santiago |January 03,2024
facebook
share this

Yassi sinalubong ang 2024 sa Vietnam kasama si Luigi: Aamin na yarn!

Ervin Santiago - January 03, 2024 - 12:05 AM

Yassi sinalubong ang 2024 sa Vietnam kasama si Luigi: Aamin na yarn!

Luigi Villafuerte at Yassi Pressman

MUKHANG inuunti-unti na ng rumored couple na sina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte  ang pag-amin sa kanilang relasyon.

Pareho kasing nag-flex sa kani-kanilang social media accounts ng mga sweet pictures nila together ang dalawa na tila isang senyales na malapit na nilang ibandera sa publiko ang tunay nilang “relationship status.”

Nag-post ang Kapuso actress sa Instagram ng mga litrato niya na kuha sa pagbabakasyon niya sa Hoi An, Vietnam kung saan nakasama nga niya si Governor Luigi.

Sa inilagay niyang caption, nabanggit ng leading lady ni Ruru Maadrid sa seryeng “Black Rider” na hindi naging maganda ang takbo ng kanyang 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Nagpapasalamat pa rin daw siya sa lahat ng blessings na natanggap niya nitong nagdaang taon at wishing and hoping na mas magiging maganda at bongga ang naghihintay sa Bagong Taon.

“Last year was such a rollercoaster, but the ride, be it scary sometimes, will always be fun,” simulang pagbabahagi ni Yassi sa kanyang IG post.

“So excited for 2024, to all your highs and lows, stops and go-sss, laughs and cries (hopefully more for joy tho) and for the opportunity for us to breathe more, share more, learn more, give more, live more & love more.

“First day of the year in a place I’ve never been before, here’s to new life discoveries,” ang mensahe pa ng dalaga.

Nang tingnan naman namin ang Instagram post si Luigi ay wala pa siyang ipino-post na mga litrato mula sa Vietnam trip nila ni Yassi.

Pero naroon naman ang kanyang New Year’smessage, kalakip ang photo collage ng mga naging kaganapan sa buhay niya last year, kabilang na ang litrato nila ni Yassi.

Sey ng gobernador sa caption, “Happy new year to everyone! 2023 was a year when prayers and blessings came true [praying hands emoji] excited for what’s to come!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vincenzo Luigi Villafuerte (@vincenzo.luigi)


Nagkomento naman si Yassi sa naturang post ni Luigi pero puro heart emojis lamang ito.

Isang netizen namana ng nagkomento sa post ni Luigi na pinaniniwalaang malapit sa dalawa. Aniya, “@yassipressman happy new year lovebirds. Visit Achi in The farm.”

Hanggang ngayon ay hindi pa lantarang umaamin sina Yassi at Luigi sa tunay nilang relasyon. Pero sa interview ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa aktres noong September 14, 2023, happy naman siya sa kung anong meron sila ng public servant.

“Ano lang din po, Tito Boy, I’m very happy to be spending more time together.
Again, I don’t wanna put labels in anything anymore. Not rushing into anything anymore.

“So, parang kung saan na lang po ako nagiging masaya. Kasi mahirap po talaga yung pinagdaanan ko. And now, sometimes feeling ko, whatever I’m happy, I’ll stay there,” paliwanag ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong August 16, 2023 ay mismong si Jon Semira ang nagsabing hiwalay na sila ni Yassi, ilang buwan lamang matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong July 21, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending