Yassi Pressman may maagang pamasko sa nabundol ng ex-driver

Yassi Pressman may maagang pamasko sa nabundol ng dating driver

Therese Arceo |December 02,2023
facebook
share this

Yassi Pressman may maagang pamasko sa nabundol ng dating driver

Therese Arceo - December 02, 2023 - 09:58 PM

Yassi Pressman 'pina-Tulfo', may maagang pamasko sa nabundol ng dating driver

Yassi Pressman

IPINATAWAG ni Sen. Raffy Tulfo ang aktres na si Yassi Pressman sa kanyang programang “Raffy Tulfo in Action” matapos lumapit sa kanila ng Grab driver na si Raymart Guinto.

Nitong Biyernes, Decemver 1, lumapit ang driver dahil ilang araw na raw niyang hindi nako-contact ang driver ng aktres na siyang nakabunggo sa kanyang minamanehong sasakyan sa BGC, Taguig City noong November 21.

Ayon kay Raymart, nakausap rin naman niya noong araw na iyon si Yassi at sinabing makipag-ugnayan sa kanyang driver na si Domer Rabi na siyang nakabannga sa kanya. Nangako rin ang aktres na babayaran niya kung anuman ang mga damages sa kanyang sasakyan at ibabawas na lang sa driver basta ibigay ang quote sa kanya.

Maayos ang naging usapan ng dalawa at nakapag pa-selfie pa nga si Raymart sa aktres.

Ngunit nang makapagpa-estimate na raw siya kung magkano ang magagastos sa damage sa minamanehinh sasakyan ay hindi na sumasagot ang driver ni Yassi sa kanyang mga tawag.

Umabot na raw ng 11 na araw ang hindi niya pamamasada dahil sira pa rin ang sasakyan.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman ayaw bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Luigi Villafuerte: Not rushing into anything

Kaya naman agad na pinatawag ng programa si Yassi upang tanungin ito kung ano na ang nangyari.

Sumagot naman ang aktres at sinabing hindi kasi nakarating sa kanya st maski siya ay nag-aantay kung magkano ang aabutin ng napinsalang sasakyan.

Humingi rin ng pasensya ang aktres dahil natagalan bago niya matugunan ang driver dahil hindi rin niya alam dahil hindi na rin nagtatrabaho sa kanya ang naturang driver.

Nangako naman si Yassi na ibibigay niya within the day ang P49,000 na gagastusin para sa bangga at isasama na rin niya ang P22,000 na nawala kay Raymart dahil hindi ito nakapasada ng 11 araw.

YASSI’S CHRISTMAS GIFT

Ngunit may pa-plot twist pa ang dalaga dahil nagdesisyon itong magbigay pa ng extra bilang maagang pamasko sa driver at personal itong iabot sa kanya.

“Pasensya ka na. Hindi ko talaga alam… Dinagdagan ko. Maraming extra ‘yan. Merry Christmas! Pasensya na ulit!” mapagkumbabamg sabi ni Yassi.

Nag-sorry rin si Raymart sa naging abala sa aktres dahil hindi rin naman niya gustong umabot sa national television ang kanyang problema ngunit ito lang kasi ang nakita niyang solusyon dahil hindi sumasagot at dating driver ng dalaga sa kanyang mga tawag.

“Thanks, Kuya. Sorry. Pasensya na ulit. Pasensya na,” hinging paumanhin pa ni Yassi kay Raymart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat rin ang aktres sa senador dahil naging daan ito upang malaman niya ang nangyayari dahil inaantay lang talaga niya ang presyo kung magkano ang aabutin ng damage sa minamaneho ni Raymart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending