9 celebs nabiyayaan ng baby sa 2023, first-time mom hugot

9 female celeb na nabiyayaan ng baby sa 2023, first-time mom hugot na hugot

Ervin Santiago |December 31,2023
facebook
share this

9 female celeb na nabiyayaan ng baby sa 2023, first-time mom hugot na hugot

Ervin Santiago - December 31, 2023 - 08:31 AM

9 female celebs nabiyayaan ng baby sa 2023, first-time mom hugot na hugot

Ang ilan sa mga celebrities na nabiyayaan ng baby ngayong 2023

NATANGGAP ng ilang celebrities ang isa sa pinakabonggang blessing na kanilang inaasam sa kanilang buhay ngayong 2023!

Maraming female personalities ang nabiyayaan ng baby this year, kabilang na ang mga first-time mommies na sina Iza Calzado, Kris Bernal at Bianca King.

IZA CALZADO AT BABY AMIHAN

Ipinanganak ni Iza si Baby Deia Amihan last January. Isinunod ng aktres at ng husband niyang si Ben Wintle sa karakter na ginampanan niya sa Kapuso series na “Encantadia.”

Sey ng aktres, handang-handa na siya sa kanyang “best role” yet, ang pagiging nanay, “Wow, ganito pala ang maging nanay. Being a mama is a world of its own.

“Kung pelikula ito, lahat ng genre pinagsama-sama sa isang pelikula. Nakakaloka. Ang sarap. It’s like getting a stamp, ‘You’re a mom.’ It’s a new chapter. It’s exciting and it really came at a perfect time,” sey ni Iza.

KRIS BERNAL AT BABY HAILEE

August, 2023 naging certified mommy si Kris nang ipanganak niya ang first baby  nila ni Perry Choi na si Baby Hailee Luca.

“My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life. Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents!” sey ni Kris sa isa niyang Instagram post.

“KUMUSTA AKO? Most days, I’m a broken mess, makeup-less w/ panda eyes, in nursing bra, and haphazard mum-bun. Standing, fighting, trying! I realized I’ve lost myself in motherhood.

Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

“Constantly learning, growing, and adapting. Motherhood pushes me, willing or not, into growth, evolution, metamorphosis. It’s painful and amazing and it just is,” aniya pa.

BIANCA KING AT BABY SADIE

Ngayong taon din isinilang ni Bianca ang unang anak nila ni Ralph Wintle (kapatid ng mister ni Ben Wintle na asawa ni Iza) na pinangalanan nilang Sadie Harlow.

“Motherhood. Hands on is an understatement for the mama who lives far away from friends and family.

“The intensity of cycling through breastfeeding, changing, and soothing is tough and lonely. Every night is an adventure. Some nights we party hard – up all night,” sey ni Bianca sa kanyang social media post tungkol sa pagiging first time mommy.

RACHELLE ANN GO AT BABY SELA

Super happy naman ang Filipino theater actress na si Rachelle Ann Go nang dumating ang second baby nila ng kanyang hubby na si Martin Spies last March, si Sela Teruah Spies.

“Blessed to introduce Sela Teruah Spies,” sey Rachelle sa isang post. Kasabay ng singer ang kahulugan ng Sela — “rock, to pause or reflect,” habang ang Teruah naman ay “shout or trumpet blast.”

Mababasa sa kanyang caption, “Blessed to introduce Sela Teruah Spies. She was born on 23.3.23 at 6:32pm.”

Baka Bet Mo: Julia sa mga biktima ng pambu-bully: Stand up for yourself at ipagdasal n’yo sila

“It took us almost five weeks to choose her name but God’s timing is perfect. Sela means rock, to pause or reflect. Teruah means shout or trumpet blast.

“Exodus 15:2. The Lord is my strength and my song. He has become my Salvation.”

JOYCE PRING AT BABY AGGIE

Growing family naman ang drama ng Kapuso celebrity couple na sina Joyce at Juancho Triviño matapos nilang i-welcome ang second baby nilang si Baby Aggie last April.

Kuya na ang panganay nilang anak na si Alfonso Eliam, na isinilang naman isang taon matapos silang ikasal. Paglalarawan ni Rachelle sa kanyang panganganak, “Intense, fast [and] furious [three]-hour labor without an epidural and delivered our 8-lb. baby girl.

“Our little girl finally made her appearance Earth-side and we are so grateful to God, from Whom all blessings flow,” ang caption ni Joyce sa picture nila ng anak.

ISABELLE DAZA AT BABY ESMERALDA GLORIA

Tatlo na ang anak ngayon nina Isabelle at Adrienne Semblat. Ang bunso nilang si Baby Esmeralda Gloria, na isinunod sa pangalan ng nanay ng aktres na si Gloria Diaz, ay ipinanganak last March 23, via Cesarean section sa Hong Kong, kung saan naka-base ngayon ang kanilang pamilya.

“A baby girl born on [March 23, 2023] at 23:03,” ang caption ng aktres sa kanyang IG photo kasama ang kanyang baby.

KAREL MARQUEZ AT BABY KADEN ANDREI

Palaki na nang palaki ang family nina Karel Marquez at Sean Fariñas. Ang ikaapat nilang baby na si Kaden Andrei ay isinilang noong June.

“Our newest love as a fam of 6…. Our Kaden Andrei – such a blessing, our precious baby,” ani Karel sa kanyang post.

“Introducing the newest addition to our family: our precious baby boy!”

LOVELY ABELLA AT BABY LIAM

Hindi inaasahan ng celebrity couple na sina Lovely at Benj Manalo ang pagdating ng first baby nilang si Liam Emmanuel.

“Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko.

“Ang larawan na to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang naghangad ng masama para sa Anak.

“Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk, pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng Anak ko,” aniya.

VALERIE CONCEPCION AT BABY VIKTOR

Makalipas ang apat na taon, biniyayaan na si Valerie at mister niyang si Francis Sunga ng baby boy last October, na pinangalanan nilang Viktor Francis.

Baby Viktor is the second child of Valerie. Ang panganay niyang si Heather ay anak niya sa dating karelasyon.

“THANK YOU LORD for making our lives extra wonderful, special and exciting. We’re so blessed to have our growing family. This is the best Mother’s Day gift ever,” aniya sa isang Instagram post.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending