Joem natanggap ang 'biggest blessing' sa panahon ng pandemya; 'The Other Wife' kabit movie with a twist | Bandera

Joem natanggap ang ‘biggest blessing’ sa panahon ng pandemya; ‘The Other Wife’ kabit movie with a twist

Ervin Santiago |July 06,2021
facebook
share this

Joem natanggap ang ‘biggest blessing’ sa panahon ng pandemya; ‘The Other Wife’ kabit movie with a twist

Ervin Santiago - July 06, 2021 - 12:39 PM

ITINUTURING ng versatile actor na si Joem Bascon na pinakabonggang blessing sa panahon ng pandenya ang pagsilang ng anak nila ni Meryll Soriano.

Ayon sa aktor, napatunayan niya na iba raw pala talaga ang feeling ng maging isang tatay, lalo na noong unang beses niyang nakita at nakarga ang baby nila ni Meryll.

Noong January, 2021 nang ibandera ng celebrity parents na may anak na sila at sa pamamagitan nga ng social media, ipinakita nila kung gaano sila kasaya sa pagdating ng sanggol sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakachika ng ilang entertainment press si Joem kahapon sa face-to-face mediacon ng Viva Films para sa bago nilang movie na “The Other Wife.”

Kasamang humarap ng aktor sa nasabing presscon ang dalawang leading lady niya sa nasabing erotic-thriller-drama na sina Lovi Poe at Rhen Escaño.

Natanong siyempre si Joem tungkol sa pagiging first time tatay niya, “Sobrang happy ko, sobrang saya ko. Hindi ko ma-explain kung…basta hindi ko siya ma-put into words.

“Sobrang saya ko, and hindi ko naramdaman siguro yung pandemic because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin,” pahayag ng aktor.

Aniya pa, “I’m just happy na nagkaroon kami ng blessing nu’ng nangyayari yung kaguluhan sa buong mundo and, I guess, yun ang sagot namin to be strong, to be loving sa bahay namin.

“Naibigay namin yung lahat ng pangangailangan sa anak namin. Sobrang naka-focus kami sa kanya,” dugtong ng partner ni Meryll.

Inamin din ni Joem na medyo nahirapan lang siyang mag-adjust nang mapalayo sa kanyang mag-ina sa kauna-unahang pagkakataon nang sumabak siya na sa lock-in shoot ng “The Other Wife” sa La Union noong April, 2021.

Pero siyempre, kailangan niyang nagsakripisyo at magtrabaho nang bongga kahit may pandemya para na rin sa kinabukasan ng kanyang pamilya. 

Samantala, tungkol sa “baliw na pag-ibig” ang tema ng “The Other Wife” na idinirek ni Prime Cruz kung saan ginagampanan ni Joem ang karakter ni Ronnie, ang asawa ni Janis to be played by Lovi.

Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Madami ka nang nasaksihan na mga pelikula tungkol sa kabitan at pagtataksil. Ngunit ngayong Hulyo, magbabago ang tingin mo sa baliw na pagmamahal sa bagong pelikulang handog ng Viva Films.

Aayusin ng mag-asawang Ronnie at Janis ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng pagbakasyon sa kanilang beach house. Darating naman dito si Luisa (Rhen Escaño), kababata ni Ronnie. 

Sa unang araw pa lang nila sa beach house ay may mga kakaiba ng pangyayari, gaya ng isang babaeng nakikita ni Janis na hindi naman niya kilala. 

Napapansin din ni Janis na parang may ibang gumagamit ng kanyang mga gamit gaya ng hairbrush at sabon. Ngunit pinipilit ni Ronnie na sila lang talaga ang tao sa beach house. May kasama ba silang ibang babae sa bahay na pilit inililihim ni Ronnie?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakaibang sexy-thriller film ang inyong mapapanood sa “The Other Wife” at hindi rin ito ordinaryong affair movie na napanood n’yo na. Ngayong July 16 na ang global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending