Rhen Escaño nakakita ng white lady sa shooting: May dumaan!

Rhen Escaño nakakita ng white lady sa shooting: May dumaan!

Ervin Santiago - October 29, 2024 - 12:35 AM

Rhen Escaño nakakita ng white lady sa shooting: May dumaan!

Rhen Escaño

ISA rin ang aktres na si Rhen Escaño sa mga celebrities na adik na adik sa panonood ng mga horror at suspense-thriller movies.

Wala raw siyang third eye pero nakakaramdam siya ng iba’t ibang elemento at ligaw na mga kaluluwa sa kanyang paligid.

Isa raw sa mga hindi niya malilimutang karanasan pagdating sa katatakutan ay nang mag-shooting sila sa isang eskwelahan para sa horror movie na “Marita.”

Kuwento ni Rhen, may nagparamdam daw sa kanya sa lumang school na naging location ng kanilang shoot.

“Ako naman po sobrang hilig kong manood ng horror films, kasi hindi talaga ako matatakutin.

Baka Bet Mo: Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

“And hindi rin ako nakakakita. Hindi open ang third eye ko pero kapag pumasok ako sa isang area o sa isang place, mararamdaman ko kung meron.

“Makikita ko rin kapag sobrang mabigat siya. Pero ‘di ko nakikita,” pagbabahagi pa ni Rhen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Habang kinukunan daw ang isa nilang eksena sa teatro ng eskwelahang pinagsusyutingan nila, muli daw siyang nakaramdam ng “kakaibang presence.”

“Nasa loob kami ng theater kung saan kami nagsu-shoot, nasa taas kami na part tapos walang ilaw sa ibaba, tapos walang ilaw din sa taas.

“Camera light lang ang gamit namin. Tapos iyong ilaw, nanggagaling lang sa mga open na pinto.

“Since wala lang, kalmado lang ako dahil hindi ako matatakutin, and then, bigla akong napatingin sa ibaba. Kasi parang may dumaan talaga! Naka-white! Ang weird nu’n.

“Iyong kasama ko at ako. Na-shock kami, sabay kami! So, ibig sabihin, hindi lang ako ang nakakita. Or hindi ko guni-guni iyon.

“Hindi lang ako ang namalik-mata dahil same kami ng naging reaksyon.

“So, ‘yun, sinuggest ko, sa baba naman tayo, para exciting,” pag-alala pa ng Viva Artists Agency talent na posibleng nakakita ng white lady.

Samantala, inamin din ng dalaga na nakialam din siya sa shoot ng “Marita”  na muntik na niyang ikapahamak.

Ito raw yung paulit-ulit na eksena ng  “pagbibigti” ng kanyang karakter dahil feeling niya hindi ay hindi makatotohanan ang unang shot mula sa mataas na platform.

“Doon sa eksena, pinababaan ko talaga iyong harness tapos medyo nakaangat iyong lubid kasi kaya di ako na-satisfy, halatang maluwag ‘yong tali. Noong pinanood ko siya, kung ako ang audience hindi maniniwala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, parang sayang lang ang pera ko rito. Highlight kasi siya ng movie so dapat na kapani-paniwala. So, pinagawa ko, pina-adjust ko and all. Naramdaman ko rin po talaga noong di ko na kaya saka ko pinaangat-angat,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending