Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon! | Bandera

Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

Ervin Santiago |April 26,2022
facebook
share this

Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

Ervin Santiago - April 26, 2022 - 07:18 AM

Rhen Escano

PAHINGA muna sa pagpapakita ng hubad na katawan at paggawa ng mga matitinding sex scenes ang Vivamax artist na si Rhen Escano.

Unang nakilala ang dalaga sa mga sexy films ng Viva tulad ng “Adan,” “The Other Wife”, “Paraluman” at ang lesbian series na “Lulu”.

But this time nga, ibang-ibang Rhen Escano naman ang matutunghayan ng mga manonood sa horror movie na “Rooftop”, na siyang unang Filipino movie na ipalalabas sa mga SM cinemas simula sa April 27.

“Yes, mananakot naman kami rito nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz at Marco Gallo. Sa kuwento may mapapatay na estudyante habang nagkakasayahan kami sa rooftop ng school.

“We covered the crime but then our victim, played by Epy Quizon, returns to haunt and take revenge on each of us,” kuwento ni Rhen.

“Rooftop” is written, directed and photographed by Yam Laranas na siya ring nasa likod ng mga hit horror flicks na “Sigaw”, “The Road” at “Aurora”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhen Escaño (@realrhen)


Kuwento pa ni Rhen, “I’ve worked with Direk Yam sa ‘Paraluman’ which is more of drama. E, mas kilala siya talaga sa horror at ito talaga ang genre niya.

“First horror film ko naman ito and I’m glad na sa first horror project ko, siya ang director ko kasi tinulungan niya talaga ako.  We’re all lucky na siya ang director namin dito,” aniya pa.

Inamin naman ni Rhen na medyo nahirapan siya sa kanilang mga scary scenes aa movie, “Ang feeling ko, parang hindi ko nagagawa nang tama ang mga eksena ko.

“I was asking Direk Yam kung effective ba akong mapa-feel talaga sa audience na matatakot sila sa scene na ito. Sabi ko, kasi ako, direk, parang wala akong napi-feel,” dagdag pang pahayag ng sexy star.

“So noong una, medyo nangangapa pa kami. Sa lahat, si Ella Cruz ang naging ka-close ko while shooting the film. Binigyan pa niya ako ng souvenir na bato, a crystal na pampaswerte raw sa buhay ko.

“I told Direk Yam na nahihirapan akong i-build up yung feeling ng sobrang takot ng character ko. But sila ng buong team niya, they all helped us in the scary scenes. We were able to hit all the right notes to scare the viewers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magaling yung buong creative team kasi magaganda ang visuals nila,” sey pa ni Rhen na sinigurong mag-eenjoy ang mga magbabarkada na manonood ng “Rooftop” lalo pa’t sa sinehan na ito ipalalabas.

Rhen Escano 10 taon naghintay bago bumida sa pelikula: Hindi ako sumuko, laban lang!

Kylie Verzosa inaming hindi na sila nagkakausap ni Jake Cuenca: Pahinga muna ang puso, work muna

Rhen Escano posible bang ma-in love sa lesbian partner niya sa GL series na ‘Lulu’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending