Bianca King ‘survival mode’ sa pagiging first time mom: Motherhood is the greatest endless marathon we will ever endure…
BILANG first time mom, ibinandera ng aktres na si Bianca King ang mga naranasan niyang paghihirap bilang isang ina.
Sa pamamagitan ng mahabang post sa Instagram, inisa-isa ni Bianca ang mga hamon bilang hands-on mom.
Pero ayon naman sa kanya, “rewarding” at “worth it” ang kanyang mga pinagdadaanan para sa kanyang baby.
Kwento niya, masarap sa feeling sa tuwing nagkakaroon sila ng teamwork ng kanyang mister na si Ralph Wintle, pero iba pa rin daw kapag naiiwan siya dahil kailangang magtrabaho ng kanyang mister.
“Teamwork with dad gets better each week. We are so grateful for his presence,” sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Bianca King nami-miss na ang pagiging buntis: ‘I wanna do it again’
Sey pa niya, “But the raw reality of the days when dad has to work and rest in the other room is overwhelming.”
Inalala pa niya na kung dati ay buong gabi siyang nagpa-party, pero ngayon ay abalang-abala siyang mag-multi task sa pag-aalaga ng kanyang baby.
“The intensity of cycling through breast feeding, changing and soothing is tough and lonely. Every night is an adventure. Some nights we party hard – up all night,” ani ni Bianca.
Chika pa niya, “We need to be resilient handling baby alone while trying to feed ourselves, tidy and squeeze in a bathroom trip while holding baby. All that in survival mode.”
“There are many days of tears, eating standing up while breastfeeding and unglamorous attempts to do 3 things at once,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, magsisilbi raw itong karangal para sa kanya dahil ang pagiging isang ina ay isang marathon na kailangan gawin ang lahat para sa anak.
“Motherhood is the greatest endless marathon we will ever endure. And it’s an honour to be in this role – a little human’s source of food, comfort and security [red heart emoji],” aniya.
View this post on Instagram
Nagpaabot naman ng suporta ang ilang kapwa-celebrities at isa na riyan ang aktres na si Iza Calzado.
“You are a SUPER mama!!! Love you, B!!! [red heart emojis],” komento ni Iza sa IG post ni Bianca.
Matapos ikasal si Bianca noong 2021, nagdesisyon itong manirahan sa Australia kasama ang mister.
Taong 2022 nang inanunsyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis at nitong Marso lamang nang ipinanganak ni Bianca ang kanyang first baby.
Related Chika:
Anne Curtis ‘mission accomplished’ sa Tokyo Marathon: Every single kilometer was worth it!
Pia Wurtzbach goodbye muna sa pagsali sa marathon para sa bonggang wedding nila ni Jeremy Jauncey
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.