Christian Bables bitbit pa rin ang trauma sa pagkamatay ng ama

Christian Bables bitbit pa rin ang trauma sa pagkamatay ng ama

Ervin Santiago - December 30, 2023 - 07:00 AM

Christian Bables bitbit pa rin ang trauma sa pagkamatay ng ama

Christian Bables

HANGGANG ngayon ay may bitbit na trauma ang Kapamilya actor na si Christian Bables sa pagkamatay ng kanyang ama ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sariwa pa rin sa isipan ng binata ang mga alaalang iniwan ng kanyang tatay na pumanaw noong 8-years-old pa lamang siya.

Napakahirap daw para sa kanya ang lumaking walang ama kaya talagang nagsikap siya sa buhay para matulungan din ang kanyang inang single parent sa pagtataguyod sa kanilang pamilya.

Naging emosyonal si Christian sa pagbabahagi niya ng ilang personal na kaganapan sa kanyang buhay sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube channel nito.

Dito nga nila napag-usapan ang tungkol sa namayapa niyang ama at kung gaano kahirap noong mawala ito sa kanilang buhay.

Baka Bet Mo: Tracy Perez bitbit ang payo ni Megan Young at mga alaala ng yumaong ina sa paglaban sa 70th Miss World

“Kasi kailangan kong i-figure out ‘yung mga bagay-bagay all by myself because my mom, she’s very hardworking woman bilang siya ang bumubuhay sa aming magkakapatid,” lahad ni Christian.

Aniya pa, “Naiintindihan ko ‘yun, Miss Karen, na most of her time, nasa work. So, every time na kailangan ko ng guidance, kinailangan ko siyang i-figure out by myself.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Christian, isang gabi noong nasa bakasyon siya sa isang probinsya bago namatay ang kanyang ama, bigla raw itong tumawag sa kaniya.

Iyak daw ito nang iyak habang kausap siya at ilang beses niyang tinanong ito kung bakit umiiyak pero hindi naman daw siya sinasagot.

Baka Bet Mo: Alex umaming may trauma na sa cake, nakiusap kay Angeline nang imbitahin sa 1st birthday ni Baby Sylvio: ‘Sana gelatin o gulaman na lang ang dessert’

Kinabukasan nang makauwi na siya sa kanilang bahay sa pakiusap na rin ng kanyang ina, ay natanaw niya ang mga tent hanggang sa makita na nga niya ang kabaong ng ama.

Mula raw noon ay nakakaramdam na siya ng matinding takot na mawalan ng mahal sa buhay at hanggang ngayon ay bitbit niya ang nasabing trauma.

“Kaya ngayon, kay Tito Boy (Abunda), ‘yung mga nami-meet ko along the way na nagpapakita sa akin ng kagandahang-loob, para sa akin tatay na agad ‘yun, Miss Karen,” ang maluha-luhang sabi ni Christian.

Bumilib naman si Karen sa pagiging appreciative ng aktor, “Sobra, Miss Karen. Kasi alam ko ‘yung pakiramdam na hindi mo masabi ‘yung kung gaano ka ka-thankful sa isang tao, kung gaano mo kamahal ‘yung isang tao, bigla na lang mawawala sa ‘yo ‘yung taong ‘yun.”

Ito rin ang dahilan kung bakit ingat na ingat si Christian pagdating sa usaping pag-ibig, “Ayaw ko ng play time. Gusto ko ‘yung alam kong aalagaan ko at alam kong aalagaan din ‘yung puso ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa naman ang binata na darating ang tamang panahon para sa kanyang lovelife at mahahanap din niya ang taong pagbibigyan at aalayan niya ng kanyang wagas na pagmamahal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending