Christian Bables naging kabit sa edad na 18

Christian Bables naging kabit sa edad na 18: ‘Bumorder line sa katangahan’

Ervin Santiago |December 28,2023
facebook
share this

Christian Bables naging kabit sa edad na 18: ‘Bumorder line sa katangahan’

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 07:22 AM

Christian Bables naging kabit sa edad na 18: 'Bumorder line sa katangahan'

Christian Bables

DIRETSAHANG inamin ni Christian Bables na sa edad na 18 ay naka-experience na siya ng pangmalakasang heartbreak.

Rebelasyon ng award-winning Kapamilya actor, ginawa raw siyang kabit ng isa sa mga naging girlfriend niya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.

“During college, mga 18 ako nu’n. 2 months, pero grabe!” pagbabahagi ni Christian. Dalawang buwan lang daw tumagal ang kanilang relasyon.

Mahal na mahal ba niya ang girl? “Hindi naman sobrang mahal, pero papunta na doon e. Kumbaga, parang naka-set yung mind ko sa pag-dive deep into the relationship. And then I found out na meron pala siyang mas nauna kesa sa akin.

“Yes, ginawa niya akong kabit. Nakakatawa,” ang sabi ni Christian.

Nalaman daw niya ang panloloko ng kanyang ex-dyowa nang, “Na-wrong send siya. Ganda, di ba? Iba yung tawag niya sa akin, iba yung tinext niyang tawag.”

Ibig sabihin magkaibang terms of endearment ang ginamit sa kanila ng girl. Ang next na eksena, kinausap niya agad ang girlfriend niya.

Baka Bet Mo: Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

“Oo, pag ganu’n kasi chill lang ako e. So, kinausap ko siya, sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Tapos ayaw niyang umamin sa simula.

“Hanggang sa eventually umamin siya. Hindi niya kayang bitawan yung boyfriend niya na nauna sa akin dahil sinusustentuhan siya nu’n, e. Ito kasing girl na ‘to older than me,” aniya pa.

Patuloy ng binata, “Siya yung nakipag-break! Okay naman yun kasi I know she did the right thing. Kasi kung ako, baliw ako that time. So, parang, ‘okay lang, okay lang kahit dito ako sa gilid.’ Siya yung hindi pumayag.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylpauljoyce Furniture (@sylpauljoycefurniture)


Sabi pa ni Christian, two months lang sila naging magdyowa pero umabot ng dalawang taon bago siya naka-move on, “Du’n ko napatunayan na wala sa tagal yun. It’s how genuine and how pure the intention and the love was, so…totoo kasi, e.”

Baka Bet Mo: Christian Bables bukas sa same-sex relationship: ‘Kung io-open ni God yung heart and mind ko for that, why not?’

Mas mahalaga pa rin daw ang “quality” ng pagsasama kesa “quantity”, “Oo, totoo kasi e, yung sa araw-araw namin nung two months na yun, totoo lahat, parang everything was magical.”

“Ako pa naman relationship to marry ako, e. Hindi ako maloko. Ayun, dahil na rin siguro sa background ng family na kinalakihan ko, ayoko ng playtime.

“So, as much as possible, kung puwede na iyon na. E, kaso parang bumorder line sa katangahan, kaya yun,” mariin niyang sabi.

Single ngayon ang binata kaya natanong din siya kung kumusta ang kanyang sex life, “Nag-i-stock ako sa bahay ng tissue! Ha-hahaha! Hindi, loko lang! Pero bawal mawala ang tissue sa bahay!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol baman sa pakikipag-one-night stand, “As much as possible, hindi. Pero kapag siguro nandun sa moment, puwede, oo, pero as much as possible, hindi.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending