Christian Bables na-inspire sa nakilalang bata sa daan

Christian Bables na-inspire sa nakilalang bata sa daan: Choose kindness

Therese Arceo - November 25, 2023 - 10:05 PM

Christian Bables na-inspire sa nakilalang bata sa daan: Choose kindness
ISANG inspiring story ang ibinandera ng award-winning actor na si Christian Bables sa kanyang naging engkwentro sa isang batang lalaki sa kalsada.

Nitong November 23 nang ibahagi ng aktor sa kanyang Facebook account ang istorya habang bumibili siya ng donut.

Kuwento ni Christian, “On my way home last night, nag crave ako sa donuts. Munchkins na lang ang natira, and swerte naman dahil flavor ko yung nakuha ko. While I was waiting for my order, kinatok ng batang nasa picture yung bintana. So nag prepare ako ng barya para ibigay sa kanya, pero natuwa ako pag bukas ko ng bintana kasi imbis na manghingi siya ng pera, ang una kong narinig sa kanya ‘trick or treats po’.

“It made me smile in an instant. Sabi ko magtatapos na ang November, bakit yan parin? Wala daw kasi siyang pang Christmas na costume, kaya trick or treats parin kasi pang Halloween lang daw yung costume niya – Yung sanga na nasa ulo niya.”

Kaya naman nagdesisyon si Christian na ibigay na lang sa bata ang kanyang binibiling donut at bigyan ito ng kaunting pera sa pag-aakalang ito ang kailangan ng batang lalaki.

Ngunit ang sumunod na ginawa ng nata sy hindi niya inaasahan.

Baka Bet Mo: Christian Bables feeling ‘nabudol’ sa unang heartbreak; nagkadyowa ng flight attendant: ‘Inalagaan niya ako, para siyang sugar mommy’

“When the munchkins arrived, inabot ko na sa kanya yung lahat ng nabili ko and kaunting money. Hindi niya tinanggap yung pera, and binalik sakin yung isang bag ng munchkins. Sabi niya, ok na daw yung mga donuts. Maglilinis na lang daw siya ng sasakyan para may pera siya at akin na lang daw yung isang bag ng munchkins kasi kailangan ko daw kumain PARA HINDI DAW AKO MAMATAY,” chika pa ni Christian.

Noong una raw ay natawa siya bilang initial reaction ngunit kalaunan ay may na-realize siya sa perspective ng bata.

“Sobrang lakas ng tawa ko! Pero after a while I realized, ito yung konsepto niya ng survival. Para ‘hindi siya mamatay’. Ang maghanap ng kakainin sa bawat araw at ang mag trabaho ng marangal (imbis na mag aral) para magka pera at maka kain at para ‘hindi siya mamata,'” sabi pa ni Christian.

Kaya naman ibinahagi ng aktor ang kanyang na-experience dahil pakiramdam niya ay may maidudulot rin itong magandang aral sa iba pang tao.

Marami naman ang naantig sa istoryang ibinahagi ni Christian.

“Thanks for the kind words mga mahal. Isa nalang kasi yan sa sobrang kakaunting libre ngayon, ang kindness. Gamitin na natin ng gamitin.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia na-‘ghost’, bigla raw nilayuan noon ni Christian Bables, anyare?!

“Just thought of sharing my experience with you, kasi ganda ng effect sa akin [heart emoji] hmmm I guess let’s pay it forward? Magandang thought din yung how about let’s choose kindness today… Cliche as it may sound, pero it really makes a huge difference,” lahad pa ni Christian.

Ngunit kahit na may mga naantig ay may iba namang nagsabi na dapat raw at hindi na niya ipinu-post ang ginawang pagtulong.

Depensa ni Christian, “Hello, may mga comment na sinasabing help without posting. I shared the experience, not the help. Nagkataon na part ng experience na naabutan ko ng kaunting pagkain yung bata.

Aniya, kaya raw mahirap ang pagpili na maging mabuti ay dahil sa mga taong pa-“woke”.

“Kaya nagiging mahirap ang pag pili sa kindness para sa karamihan, dahil sa mga taong ganito. Hindi ka makagalaw ng tama at naayon sa nararamdaman mo. Dahil bawat kilos, mali. Parang sila ang batayan ng kung anong tama at hindi. Pero pag nakita mo sila sa personal, mga numero unong walang nai aambag kundi dakdak,” sey ni Chistian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Mga pa woke friends, masyado kayong madaming alam na kadalasan, wala sa lugar. May masabi lang. Sana masabugan ng goodbye Philippines yang bibig at mga kamay niyo sa New Year.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending