Paramore binura lahat ng content sa socmed, nag-‘disband’ na ba?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang sikat na American rock band na Paramore.
Paano ba naman kasi, tila nawala na parang bula ang laman ng ilang social media accounts nila.
Inisa-isa ng BANDERA ang kanilang accounts at nakita namin sa Facebook at YouTube ng banda na wala na itong profile picture, habang ang contents ng kanilang X (dating Twitter) at Instagram accounts ay burado na lahat.
Pati ang sariling website ng grupo ay “currently inaccessible.”
Ang naging hakbang sa nasabing social media accounts ay matapos ibinunyag ng Paramore sa isang interview na “there’s a level of uncertainty” pagdating sa future nila bilang banda.
“Now that Paramore has spent the year touring behind ‘This Is Why’ (and making sure to take better care of themselves while they’re at it), a chapter of the band’s career has come to a close,” saad sa bahagi ng isang article na ibinandera ng grupo sa kanilang IG recently.
Ani pa, “They’ve now fulfilled all label obligations and are effectively free agents. As for the future of Paramore, all three members agreed that there’s a level of uncertainty.”
Dahil diyan, maraming fans na ang nagtatanong kung nagkawatak-watak na ba ang banda o kaya naman ay nagkakaroon lamang ng rebranding.
Gayunpaman, ang main point ng nasabing anunsyo ay ang kalayaan ng Paramore mula sa anumang management kung saan they are branding themselves as “free agents.”
“But one thing’s for sure — they’re still going to be together, and they’re still going to keep having fun. ‘The only thing that matters is we will still get to be each other’s community,’ sey ng bokalista na si Hayley Williams.
Sa katunayan nga raw ay kasalukuyan na silang naghahanda bilang special guest at opening performer para sa “Eras Tour” concert ni Taylor Swift sa UK at Europe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.