Jake Zyrus pilit winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay kaya pahinga muna sa socmed: 'This is me fighting back...by healing' | Bandera

Jake Zyrus pilit winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay kaya pahinga muna sa socmed: ‘This is me fighting back…by healing’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Jake Zyrus pilit winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay kaya pahinga muna sa socmed: ‘This is me fighting back…by healing’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 11:06 AM

Jake Zyrus pilit winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay kaya pahinga muna sa socmed: 'This is me fighting back...by healing'

Jake Zyrus

NAG-AALALA ang singer-songwriter na si Jake Zyrus sa estado ng kanyang mental health kaya naman nagdesisyon siyang magpahinga muna sa social media.

Ayon kay Jake, kailangan niyang gawin ito para na rin sa kanyang sarili dahil na rin sa matinding toxic, stress at anxiety na nararanasan niya nitong mga nagdaang araw.

In-announce ni Jake ang gagawing socmed detox sa kanyang Instagram account kahapon May 23, 2023 dahil kailangan na nga raw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang mental health.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit goodbye muna siya sa socmed ay ang ginagawang paninira sa kanya ng ilang taong never naging masaya sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴀᴋᴇʏʙᴀʙʏ (@jakezyrusmusic)


“Hi all! I know I don’t post a lot, but just wanted to let you guys know that I’ll be taking a break from social media for a few weeks to focus more on my mental health,” ang simulang pagbabahagi ng singer.

“It’s been a rough ride. A lot of people have tried to break me, so this is me fighting back, by healing,” aniya pa.

Sey pa ni Jake alam niyang hindi magiging madali ang pamamahinga niya sa social media pero kailangan daw niyang gawin ito para na rin sa kanyang “healing journey.”

Pagpapatuloy ni Jake, “I know it’s not gonna be easy, but I also know it will help me a lot.

Baka Bet Mo: Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

“If you’re looking for a sign to also take a break because it’s been a lot for you, this is it..Let’s do this together,” pahayag pa niya.

Kamakailan, naglabas din ng kanyang saloobin si Jake nang mag-viral ang video ni Charice Pempengco at ni Morissette Amon kung saan pinagkumpara ang style nila sa pagbirit.

Walang binanggit si Jake sa kanyang pahayag pero naniniwala ang mga netizens na may kaugnayan nga ito sa isyu sa kanila ni Morissette.

“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano Scientifically, wala, e. It’s impossible because I’m already taking, like, hormones because that’s who I am.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴀᴋᴇʏʙᴀʙʏ (@jakezyrusmusic)


“So, anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!

“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!

“And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin yon! Disrespectful din sa kanila yon!

“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?” ang litanya pa ni Jake nang magsalita siya sa isa sa kanyang online gaming session.

Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending