Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus | Bandera

Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus

Reggee Bonoan |February 22,2022
facebook
share this

Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus

Reggee Bonoan - February 22, 2022 - 11:07 AM

Cristy Fermin at Jake Zyrus

MARAMING nagparamdam ng suporta kay Jake Zyrus nang ipakita niya sa publiko ang kanyang dibdib pero may mga nagulat at nagalit din sa ginawa niya sa katawan.

Isa na si Nanay Cristy Fermin na nagpahayag ng saloobin sa viral photo ni Jake na tinalakay nila ng co-host niyang si Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 News FM at One PH YouTube channel.

Nalungkot daw ang batikang manunulat sa larawang ito ni Jake, “Ako’y nalungkot. Oo, totoo nalungkot ako. Alam ko maligaya siya sabi niya kumportable siya.  

“Para kasi sa tulad namin nina Jobert Sucaldito, Ogie Diaz na nasubaybayan ang pagiging Charice Pempengco niya siyempre may lambong ng lungkot ‘yung nararamdaman namin ngayon.

“Dati nakikita ko siya akay-akay ni Nanay Tessie (Pineda, lola ni Jake) kapag lumalaban siya sa Little Big Star (2008), nakikita ko nakabestida siya, nakasapatos ng pambabae, naka-bobby socks, babaeng-babae.

“Maging noong magpunta si Willie Revillame sa Winnipeg (Canada) para sa programang Wowowin alam mo ba na girl na girl pa rin siya, tapos makikita mo (ngayon) ganito na ang itsura niya,” simulang komento ng batikang manunulat.

“Okay na sa akin ‘yung mga ganyan, eh (ipinakita ang video na naka-shirt), okay na sa akin ‘yung mga asta niyang lalaking-lalaki na talagang hindi na siya babae.

“Pero nakakalungkot pala kapag nagkaroon ka ng recollection na ‘yung pagiging bata niya na babae siya kapag nakita mo na ‘yung dalawa niyang dibdib na talagang ano na, na-flat na, ‘no?” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)


Habang nagre-reminisce ang radio-online host ay ipinakikita sa monitor ang mga larawan ni Jake na may damit at walang damit.

“Ito ‘yun, eh dahil sa mga iniinom niyang gamot na-flat na po ‘yung kanyang boobs pero meron pa ring umbok hindi pa rin ‘yung talagang tuyot na tuyot para lang siyang lalaking araw-araw na nasa gym na may abs at nagkaroon ng dibdib.

“Pero alam mo ako’y lungkot na lungkot nang makita ko ‘yan (larawan). Isipin mo ‘no, si Charice noon, ganito na ngayon.

“Pero po, muli, ano po ang magagawa natin, e, siya na ang nagsasabing maligaya siya sa kanyang itsura ngayon at kumportable siya. Maibibigay po ba natin iyon kay Jake Zyrus, hindi naman, eh, di ba?” pahayag ni ‘nay Cristy.

Singit naman ni Romel Chika, ito ang pangarap ni Jake Zyrus at para sa mga transgender.

Sa pagpapatuloy pa ng manunulat, “Sabi nga niya nagdadalawang-isip siya kung ipakikita niya itong kanyang dibdib o hindi. Pero naisip raw niya kung kailan pa niya ito gagawin, e, samantalang ito ‘yung pinaghirapan niya ng maraming taon , ito ‘yung talagang pinangarap niya itong itsura niyang ito, so, itinuloy na niya.

“At ang sabi nga niya maaaring maiintindihan at hindi ng mga tao, pero ano ang mararamdaman ko, e ito ang nakakapagpaligaya sa akin at dito talaga ako masaya at kumportable.

“Lalaking-lalaki na pumorma samantalang dati may yakap-yakap pang mga manyika, nakaipit tapos nakatirintas, nakapusod ng dalawa ganyan. Isipin mo kung ano talaga ang makakapagpaligaya sa tao, gagawin niya,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

Say naman ni Romel Chika, “Totoo naman, kita mo wala na siyang dapat itago, ‘yung pinangarap niyang katawan eto na, pinangarap niyang buhay, nandiyan na.”

“Kung kami nalulungkot, kaming mga nakasaksi ng kanyang paglaki, paano pa kaya ang kanyang magulang, paano pa kaya si Nanay Tessie, paano pa ‘yung mga kamag-anak niya na tutol na tutol dito sa pagbabago niya ng anyo.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“E, wala tayong magagawa siya naman ang nangarap na ilantad ang tunay niyang gender. Sabi nga niya mas maganda na ‘yung maging totoo kaysa sa pagpapanggap,” sabi pa ni Nanay Cristy.

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Jake Zyrus sinupalpal ang fans na ‘nakaka-miss’ kay Charice: Binabastos na ang pagkatao ko

Kris Bernal wapakels sa bashers: ‘My purpose is way bigger than anyone’s opinion of me’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending