Claudine Barretto binura na ang 1998 love letter ni Rico Yan
BURADO na sa Instagram account ng aktres na si Claudine Barretto ang viral 1998 love letter sa kanya ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.
Matatandaang noong Martes, Nobyembre 16, nang i-upload ng aktres sa kanyang Instagram account ang diumano’y sulat sa kanya ng matinee idol na si Rico Yan noong Setyembre 7, 1998.
“Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life!” Yan wrote to Barretto. “While I watch you sleep, I can’t believe [you’re] mine.
“Thank you for being my rock! And hunny, ‘you rock.’ I love you very much,” saad ni Rico sa sulat kay Claudine.
Agad namang nag-viral ang post niyang ito kung saan nag-react ang mga kaibigan at kapwa artistang sina Gladys Reyes, Mariel Padilla, at Diane Medina.
Ngunit may mga netizen ang kumuwestiyon kung talaga bang mula kay Rico ang sulat na ipinost ni Claudine.
Ilan sa mga napansin ng mga netizens ay ang papel na tila bago pa gayong mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas buhat nang ito’y isulat.
Napansin rin nila ang penmanship sa sulat na iba sa mga naunang sulat na ibinahagi ni Claudine noon.
May netizen pa na nakapagsabing mas hawig ang penmanship ng sulat sa hand-written letter ni Claudine para sa kanyang ina na uploaded rin sa kanyang Instagram.
“Kita ko lang po na same penmanship nung letter na binigay mo for your mam and it’s different from rico’s. and the paper looks new when it’s been 19yrs since he passed away.
“No hate po, i am a big fan of ur loveteam but just wanna ask if did write this and pinost or cinopy nyo lng. Much love po @claubarretto.”
Agad naman itong sinagot ni Claudine at sinabing hindi siya ang nagsulat.
Related Chika:
Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya
1998 love letter ni Rico Yan kay Claudine Barretto ‘truth or fake’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.