Zeinab Harake handa nang pakasalan si Bobby Ray Parks, pero…
“GRABE po talaga siya!” Yan ang simulang paglalarawan ni Zeinab Harake sa kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr..
Hindi raw makapaniwala ang sexy content creator na may matatagpuan pa siyang lalaki na tulad ni Bobby Ray na magmamahal sa kanya ng bonggang-bongga pati na sa kanyang mga anak.
Kaya naman ang professional basketball player na raw sana ang kanyang “the one” at maging partner for life.
Sey pa ni Zeinab, naiisip niya na sa kasalan na rin mauuwi ang relasyon at pagmamahalan nila ni Bobby kahit hindi pa naman ganu’n katagal ang itinatakbo ng kanilang pagsasama.
View this post on Instagram
“Napag-uusapan po namin yan. Napag-uusapan namin na taking time muna kami palagi, pero parehas kami, du’n ang nakikita naming kapupuntahan ng aming relasyon.
“Kasi, para saan pa at mag-waste tayo ng time. Ang hirap gumawa ng memories na nai-involve na ang mga anak ko.
“Tingin ko naman, kung darating yung time na… ready naman na ako. Pero yun, focused muna tayo sa work,” sey ng vlogger na aktres na rin ngayon nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng first movie niya, ang “Kampon.”
Bukod daw sa sobrang maalaga si Bobby sa kanya, mahal na mahal din ng cager ang dalawa niyang anak, isa sa dati niyang karelasyon na si Skusta Clee at isang adopted.
“Grabe naman po talaga. Minsan, siya pa ang naghahatid-sundo sa mga bata sa school.
“Kung paano niya alagaan. MInsan ay hindi ako makapaniwala na may ganitong lalaki na gagawa ng mga ganyan.
“Yung kukunin ang mga bata, para ihele. Yung mga ganung eksena. Para i-comfort yung bata. Dalawin ang mga bata. Minsan pag nasa trabaho ako, siya yung nakatambay sa kuwarto, doon lang siya. Di siya lalabas, or what.
“At ang pinakamaganda talaga sa kanya, yung communication namin, intact po talaga,” lahad ni Zeinab.
View this post on Instagram
Hindi rin daw isyu kay Bobby ang pagpasok niya sa showbiz dahil super understanding at supportive ang basketball player sa kanyang career.
Kahit nga raw may love scenes siya with Derek Ramsay sa “Kampon” na entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ay hindi ito nagselos o na-bad trip.
“Ganoon siya ka-supportive at naging open-minded naman siya. Actually, napag-usapan naming dalawa. Kailangan namin ng maayos na usap, and ang pinaka-thankful lang ako ay nasa matured partner na ako.
“Mas supportive siya in terms of craft na, ‘Career yan, trabaho yan. I know you’re doing that not only because of yourself, or your family, you’re doing it ’cause you want something new na mae-explore mo sa career mo.’ Yung mga ganu’n.
“Binigyan niya ako ng chance na mag-open ng mga bagong door sa life ko,” aniya pa.
“Huwag n’yo lang ita-tag. O, huwag niyang panoorin. Marami namang ganun sa showbiz na nakikita ko na yung ka-partner nila ay may ka-love scene, o may kaeksena na medyo (intimate).
“Alam naman po natin na hindi talaga po siya ano. But it’s work. Ginawa ko lang naman po yung best ko na walang kahit anong malisya. Si Sir Derek, ganu’n din po siya. Respect and pure hardwork lang po talaga,” esplika pa ni Zeinab.
Sa tanong naman kung sino pa ang gusto niyang maging leading man sa next acting projects niya, “Actually, madami po talaga. Kasi, nai-starstruck pa rin ako.
“Para pa rin akong bata minsan na pag may nakikita akong artista, ‘Hay, grabe, dati napapanood ko lang ito.’ Tapos ngayon may pagkakataon na akong makausap, makaharap. So, naglu-look forward po ako kung sino pa,” tugon no Zeinab.
Pero ang mga celebrities na talagang hinahangaan niya, “Top two ko? Siguro, first ko si Ate Jen (Jennylyn Mercado). Oo, sa girls ito, ha? Top one ko naman si Ate Marian (Rivera).
“Si Ate Jen kasi, nakikita ko sa kanya ang pagiging hands-on mama. Caring mama. Si Ate Marian naman, idol na idol ko sa pagiging mama din, at bago pa siya nagka-baby, ganu’n. Sobrang tinitingala ko sila,” sey pa ng vlogger.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.