Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge

Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

Pauline del Rosario |October 28,2023
facebook
share this

Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

Pauline del Rosario - October 28, 2023 - 05:01 PM

Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

“CAN’T Say No” challenge nga ba ang ikinasa ng couple na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr?

‘Yan din ang itinanong ni Zeinab sa madlang pipol dahil tila naging “Sugar Daddy for a Day” challenge ang kanilang ginawa.

Sa recent YouTube vlog ng content creator, marami ang kinilig at humanga sa ipinakitang genuine love ni Bobby para kay Zeinab habang sila ay nasa Japan.

Mapapanood sa video na binigla ni Zeinab ang kanyang dyowa sa gagawing “Can’t Say No Challenge” na ang plano sana ay ang vlogger ang gagastos para sa basketball player.

Ngunit tila nabaligtad ang naging hamon dahil ang ending ay si Bobby ang nagbayad sa mga gustong bilhin ni Zeinab.

“Mag-’Can’t Say No Challenge’ tayo,” sey ng social media star sa basketbolista.

Sagot naman sa kanya ni Bobby, “Ngayon? Seryoso ka?”

“Oo! Magsha-shopping kasi today, sayang naman ‘to,” sambit naman ni Zeinab.

Baka Bet Mo: Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Patuloy pa niya, “Kasi itong kumag na ‘to, gusto niya siya gagastos lahat ng gusto kong bilhin. Hindi naman pwede ‘yun as strong independent woman.”

Biglang hirit ng basketball player, “Pwede ‘yun!”

Tugon sa kanya ni Zeinab, “I-save mo na lang lahat ng perang igagastos mo sakin…pagkain, taxi, driver, kotse lahat na nga sayo e. Hindi na nga ako nagrereklamo.”

Sa gitna ng vlog, mapapanood na tila nagtatalo pa rin ang dalawa dahil ayaw nang paggastusin ni Zeinab ang kanyang dyowa.

“Maghihirap ka niyan,” banta ng vlogger-actress.

Paliwanag naman ni Bobby, “Nagtatrabaho ako. Araw-araw akong nahihirapan, pero worth it siya sa mga times na ganito. Kaya hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko.”

At dahil nga, na-stress na si Zeinab at hindi naman niya mapigilan sa paggastos si Bobby ay lumabas na muna siya ng store habang nagbabayad sa cashier ang kanyang partner.

“Ngayon lang ako nakakita ng ‘Can’t Say No Challenge’ na ako ‘yung hindi maka-’no’ talaga tapos siya ‘yung nagbayad,” wika ni Zeinab.

Tanong pa niya sa mga manonood, “‘Diba kapag ‘Can’t Say No Challenge,’ ikaw ang paggagastusin nang paggagastusin? Ito ‘yung Can’t Say No Challenge na wala akong masasabing ‘no’ kapag siya ‘yung gustong magbayad. Nakaka-stress itong si Daddy Ray.”

“Mahal na mahal ko ‘yang taong ‘yan, sobra ang paninindigan sa buhay. Lalaking-lalaki. Hindi na ako bakla! Mabuhay!” dagdag niya.

Lalo pang pinatunayan ni Bobby ang kanyang pagmamahal kay Zeinab nang maalala nito ang mga anak ng vlogger.

Hindi niya nakalimutang ipag-shopping at bilhan ng mga pasalubong sina Lucas at Bia.

Sabi pa ni Bobby, “Miss na miss ko na ‘yung mga bata.”

Sa huli, nagbigay ng mensahe ang aktres sa kanyang partner at ipinaalalang, “Hindi mo ako kailangang bilhan ng kung ano-ano, hindi mo ako kailangang gastusan kasi ikaw pa lang, sobra-sobra na, ‘yun lang ang gusto kong i-remind sayo.”

“Hindi kita jinowa dahil sa pera mo, hindi kita jinowa dahil basketball player ka. Jinowa kita mahal kita,” aniya pa.

Sa comment section, mababasa na maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at pagboto sa basketball player.

Narito ang ilan sa mga naging komento nila:

“Grabe sobrang genuine ni Ray, sana lahat ng girls na nakaranas ng toxic relationship makatagpo ng lalaking katulad ni Ray Parks [emoji] the way he handles Zeinab’s attitude, the way he speak, small gestures and everything sobrang sincere and kitang-kita ‘yung pagmamahal [emojis]”

“The PARTNER that Zebby deserves [red heart emoji]️ the love, the maturity, the care and the father instinct that Ray has is superb! Kudos to Ray for bringing the best to Zebby [red heart emojis]”

“Grabe the maturity ni daddy Ray! Ito ‘yung hinahanap na relasyon. I’m happy for them [heart emojis]”

“You deserve all the love from this man [red heart emoji] We all have someone that’s going to be meant for us forever, and that’s regardless of what situation you were in from your past.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Zeinab Harake wala nang kawala kay Bobby Ray Parks, nagbakasyon sa Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending