Lampungan nina Derek at Beauty aprub kay Ellen; 'Left On Read' nasa Viu na | Bandera

Lampungan nina Derek at Beauty aprub kay Ellen; ‘Left On Read’ nasa Viu na

Ervin Santiago |December 15,2023
facebook
share this

Lampungan nina Derek at Beauty aprub kay Ellen; ‘Left On Read’ nasa Viu na

Ervin Santiago - December 15, 2023 - 12:27 PM

Lampungan nina Derek at Beauty aprub kay Ellen; 'Left On Read' nasa Viu na

Beauty Gonzalez, Erin Espíritu at Derek Ramsay

HINDI nagselos o napraning si Ellen Adarna sa pakikipag-love scene ng asawa niyang si Derek Ramsay kay Beauty Gonzalez.

Walang isyu kay Ellen ang mga maiinit na eksenang ginawa ni Derek at ng BFF niyang si Beauty sa horror movie na “Kampon”, isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Bago pa man daw kasi magsimula ang shooting ng naturang pelikula ay knows na ng dating sexy star at celebrity mom na magkakaroon ng love scenes ang kanyang husband at best friend.

Sa presscon ng “Kampon” kamakailan ay natanong nga si Beauty kung ano ang naramdaman niya nang gawin nila ni Derek ang ilan sa kanilang maseselang eksena.

“Awkwardly nice. Working with Derek, oh my God! It’s awkwardly nice. Because he’s the husband of my best friend, and I had to do love scenes with him,” natawang sey ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Showbiz couple posibleng mawasak din ang relasyon kapag nagkanya-kanya na ng diskarte sa career

In fairness, napaka-gentleman naman daw ni Derek, “I admire him because he’s such a gentleman. Pagdating do’n, wala, you just had to get over with it. You have to be in character. And na-admire ko siya kasi, 2 takes, 3 takes, tapos na, coz we want to get it done.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaysa, the more awkward it feels, the more na hindi na mukhang real,” chika pa ni Beauty.

Okay din daw sa kanyang mister na si Norman Crisologo ang paggawa niya ng sexy scenes sa pelikula. Actually, nagtatawanan lang daw sila about it.

Bito nga raw niya kay Ellen, “You can have Norman, yuck! Ha-hahahaha!”

Baka Bet Mo: Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

“But my husband, siya ang unang naging friend ni Ellen before me, and he just laughed it off. Alam niya work lang ito, so pareho sila ni Ellen, they just laughed about it. Derek is such a gentleman at mabilis naming natapos ang scene,” paliwanag ni Beauty.

Showing na sa Pasko, December 25 ang “Kampon” bilang bahagi ng MMFF 2023. Ito’y mula sa direksyon ni King Palisoc under Quantum Films na pag-aari ni Atty. Joji Alonso.

Kasama rin dito sina Zeinab Harake, Nico Antonio at ang child actress na si Erin Espiritu.

* * *

Ang top-rating horror series na “Left On Read” mula sa Hong Kong ay mapapanood na sa Viu Philippines.

Unli-horror ang dating dahil ang kumpletong 15 episodes ay uploaded na sa Viu. Ang kuwento ay tungkol sa mga estudyanteng isinali ng Admin sa chat group na “Read It or Die”.

Pipilitin ng Admin ang mga bata na lumahok sa isang laro at kung hindi susundin ang utos ay kamatayan ang parusa.

Magpa-panic ang mga estudyante dahil isa-isang namamatay ang kanilang mga kaklase.

Para masalba ang kanyang mga kaibigan, iyon pang pinakamahiyain ang maglalakas loob na matukoy ang katauhan ng Admin.

Ang pamagat ay mula sa expression na naglalarawan sa sitwasyon kung saan ang isang text message ay nabasa pero dinedma ng tumanggap.

Nang maipalabas sa Hong Kong ang “Left On Read,” naging paborito ito ng horror lovers sa naturang bansa dahil sa magaling na cast at pagkakakuwento.

Kabilang sa cast sina Marf Yau at Yoyo Kot ng Hong Kong girl group na Collar; ang co-stars nila ay mga young stars mula sa HK music survival variety show na “Kingmaker”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mag-binge din sa ibang horror series na available sa Viu katulad ng “Duty After School”, “Zombie Detective”, “The House On Autumn Hill”, “Happiness”, “Tell Me What You Saw” at “Shadow”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending