Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment | Bandera

Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

Therese Arceo |October 19,2021
facebook
share this

Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

Therese Arceo - October 19, 2021 - 01:34 PM

Rayver, Candy binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

INULAN ng pambabatikos mula sa mga netizens sina Rayver Cruz at Candy Pangilinan matapos ang kanilang naging komento sa Instagram post ni Alex Gonzaga ukol sa nangyari sa kaniyang miscarriage kamakailan.

Sa kabila ng malungkot na nangyari sa mag-asawang sina Alex at Mikee Morada ay tila iba ang naging pagkaka-intindi ng dalawa.

“Congrats Cathy Grabe,” comment ni Rayver Cruz.

“Yipee! Congrats!” sey naman ni Candy Pangilinan.

Marahil ay ang akala ng dalawa ay in-announce ng aktres ang kanyang pagbubuntis dahil ang unang litrato na makikita ay pregnancy test result ngunit hindi nito nabasa ang buong caption.

Marami tuloy sa mga netizens ang naimbyerna sa ginawa ng dalawa pati na rin ng ibang netizens na mukhang hindi rin binasa ang buong caption ng aktres.

“Yung mga nagco-congrats hindi marunong magbasa ng caption. Hindi rin siguro marunong magbasa ng instruction kaya zero lagi sa exam,” comment ng isang netizen.

“Dami nag congrats kay Ms. Alex? Para saan ‘yun?! Di ba nila binasa yung caption?! Or mahina lang yung reading comprehension nila,” saad naman ng isa pa.

“Basa muna bago comment,” sey ng isa pa.

“Basa basa and comprehend if you didn’t understand what you were reading, try to view the comments section then you will realize,” hirit pa ng isa.

Isang netizen naman ang tumawag ng pansin ng dalawa at sinabing, “Read n’yo po caption niya.”

Agad namang nag-apologize si Candy Pangilinan.

“In God’s loving time. Sorry. Didn’t get to read the whole caption at 1st. Love you both. We shall be praying for both of you,” paghinging paumanhin ni Candy.

Deleted naman na ngayon ang comment ni Rayver.

Sa kabila ng pambabatikos ay may ilan rin namang nagtanggol sa kanila.

“Everybody’s not perfect,” saad ng isang netizen.

“Excited lang sila for Alex, pero please read all fist bago mag-comment. Praying for Alex,” comment pa ng isa.

“Hindi ba puwedeng magkamali? Maliit na issue gagawin nyong big deal,” depensa naman ng isa.

Karagdagang ulat:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending