Jessy Mendiola balik-showbiz sa 2024

Jessy balik-showbiz sa 2024: Exciting! Nakakakaba, but I think ready na ‘ko!’

Ervin Santiago - December 10, 2023 - 10:00 AM

Jessy balik-showbiz sa 2024: Exciting! Nakakakaba, but I think ready na 'ko!'

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

KINUMPIRMA ng Kapamilya actress at celebrity mommy na si Jessy Mendiola ang pagbabalik niya sa larangan ng pag-arte sa pagpasok ng 2024.

Inamin ni Jessy na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng nerbiyos dahil matagal-tagal din siyang napahinga sa paggawa ng teleserye at pelikula.

“Grabe ang tagal ko nang hindi ginagawa ito. Bigla akong kinabahan! Ha-hahahaha!” ang chika ng wifey ni Luis Manzano sa panayam ng ABS-CBN.

“Actually, I promised myself and of course, Luis, na sana yung first year ni Rosie (panganay nilang anak) sana easy easy lang muna kasi I really wanted to be there for her growth, her milestones.

“Of course, ang milestones naman, hindi naman yan matatapos, eh. Kasi forever naman talaga ang pagiging ina. But yun nga, pinaplano ko na next year na babalik na ako.

“Pinapalaki ko lang yung anak ko guys. Ha-hahaha! Naku, kinakabahan na nga ako kasi baka nakalimutan na nga ako ng showbiz eh,” lahad ng aktres at content creator.

Baka Bet Mo: Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Pagpapatuloy pa niya, “Pero I’m very grateful kasi bawat post ko, bawat post ko sa sarili ko at sa family ko, kay Rosie at Luis, talagang yung mga tao, yung mga nagsusuporta sa akin nandu’n pa rin hanggang ngayon and they saw everything.

“As in yung journey ko bilang artista, bilang Jessy, bilang isang asawa at isang ina. Talagang inabangan nilang lahat. So medyo exciting pero nakakakaba din if ever man na babalik ako next year,” sey pa ng aktres.

Actually, maraming offer na natatanggap si Jessy, kahit noong bago siya mabuntis kay Baby Rosie o Baby Peanut. Ang huli raw niyang acting projects ay ang “Sandugo” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Actually last year pa (nakakatanggap ng offer), even before ako magbuntis,qa marami ng mga nag-o-offer ng mga teleserye. Actually ngayon may movie na nag-offer sa akin sa MMFF pero hindi ko na sasabihin kasi hindi pa ako ready.

“Parang sabi ko hindi pa ako ready talaga ngayong taon. Kasi talagang gusto kong mag-one year old muna yung anak ko. So next year, feeling ko ready na ako,” chika pa ni Jessy.

Tungkol naman sa pagiging nanay, “Oh my gosh, I don’t know how to describe motherhood grabe. I’m so in love. I’m so happy and everyday talaga, mas na-i-in love ako sa kanya. Ang bilis talaga nila lumaki.

“Kasi magwa-one year na pala siya. So parang bittersweet kasi siyempre  you can see her grow everyday, you see all of her milestones, her progress. But then again parang it’s too fast. Sana hindi ganun kabilis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ewan ko, nasa gitna. Talagang happy ako pero at the same time parang everything’s happening so fast,” lahad pa ng misis ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending