Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis? Bandera

Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Ervin Santiago |September 22,2021
share this

Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Ervin Santiago September 22, 2021 - 10:10 AM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

NAGDESISYON ang actress-vlogger na si Jessy Mendiola na huwag nang gumawa ng daring o sexy projects ngayong may asawa na siya at plano na ring magka-baby.

Ngunit agad niyang nilinaw na walang kinalaman ang mister niyang si Luis Manzano na tuluyan nang baguhin ang kanyang sexy image.

Sa bagong vlog ng aktres kung saan muli niyang nakasama si Luis, sinagot nila ang ilang assumption ng publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Isa nga sa mga itinanong kay Jessy ay kung titigil na siya sa paggawa ng sexy projects ngayong kasal na sila ni Luis.

Sabi ng aktres, bago pa sila nagsama ng TV host bilang married couple ay tumigil na siya sa pakikipag-kissing scenes at paggawa ng love scenes sa kanyang mga projects.

“‘Yung huling soap na ginawa ko, ‘yung Sandugo, I talked to the director tapos sabi ko sa kanya, ‘Direk, I would rather go all out na kontrabida, ‘yung mang-aapi, ‘yung sobrang sama, ‘yung may ulterior motive, but please pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes.’

“Hindi naman sa nag-iinarte but it’s more of like nagawa ko na siya since I was 16. Hindi naman kissing scenes, love scenes, pero ‘yung nagpapa-sexy na,” chika ni Jessy.

Feeling ng misis ni Luis, parang hindi na tama na gumawa pa siya ng mga sexy scenes lalo na ngayong nagpaplano na rin silang mag-asawa na magkaanak.

“But hindi ako pinipigilan ni Luis. It’s more of me, it’s a decision I made a few years ago and so far so good naman,” aniya pa.

Matatandaang sinabi ni Luis sa isa niyang vlog na handang-handa na siyang bumuo ng sariling pamilya, “Given naman ‘yun. Siyempre hindi na naman na ako bumabata.

“Kasi lahat ng mga tropa ko, may mga pamilya na halos. Malalaki na nga ‘yung mga anak, actually. Tapos ‘yung Daddy ko (Edu Mazano) nu’ng pinanganak ako I think nasa 28 years old ata siya. 

“Same age si Mommy (Vilma Santos) at si Daddy. Marami kaming nae-enjoy ni Daddy together even at this point. So parang ‘yun din ang habol ko na parang ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” paliwanag ng TV host-comedian.

Kung si Jessy naman ang tatanungin, gusto raw niya ng dalawa hanggang tatlong anak sa loob ng limang taon. “I am ready to get pregnant. Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na ako. 

“Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three ‘yung children namin. 

“Kaya sana two to three kids before I turn 33, ganu’n. 28 na ‘ko ngayon eh, so meron akong five years pa,” aniya pa.

Ikinasal sina Jessy at Luis sa The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas noong Pebrero na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at ilang malapit na kaibigan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending