Sarah Lahbati magbabalik sa pag-arte, may bagong project

Sarah Lahbati magbabalik sa pag-arte, may bagong project

Therese Arceo |December 10,2023
facebook
share this

Sarah Lahbati magbabalik sa pag-arte, may bagong project

Therese Arceo - December 10, 2023 - 02:39 AM

Sarah Lahbati magbabalik sa pag-arte, may bagong project

Sarah Lahbati

IBINANDERA ng aktres at “Starstruck” alumni na si Sarah Lahbati ang bagong proyekto na kanyang gagawin sa TV5.

Nitong Sabado, December 9, ibinahagi niya sa kanyang Instagram post ang kopya ng script ng nasabing proyekto.

Ang bagong project na kabibilangan ni Sarah ay ang remake ng pelikulang “Lumuhod Ka Sa Lupa” na pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez noong 80s.

“Grateful,” saad ni Sarah sa caption ng kaniyang post.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati ibinandera ang bagong hairstyle, hirit ng netizens: nagmo-move on na nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naging post ng aktres.

Ang ilang komento ay hugot ng mga netizens sa naunang pahayag ng mother-in-law nitong si Annabelle Rama.

“Pinagbibintangan nagwawaldas eh! asawa naman si Sarah sino ba dapat magwaldas ng pera ng anak niya ibang tao. Sarah talented kamas sisikat pa ngayon kesa sa anak niya,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “More project, more waldas. Inisin ni lalo ang bruha mong ML.”

“Mas maganda tlga may sariling trabaho at pera ang isang babae para pagdating ng araw dka sisihin ng asawa bkt san napunta ang pera na binibigay nya pero dapat inanakan at inasawa ka nya natural lng nmn na magwaldas ka hahaha,” sabi naman ng isa sa post ni Sarah.

Annabelle Rama sa umano’y pagiging magastos ni Sarah

Matatandaang tinanong ni MJ Felipe si Annabelle kung totoo ba ang chikang “magastos” ang kanyang daughter-in-law.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ‘di bet maghiwalay sina Sarah at Richard: Mahal ko ang mga apo ko

“Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan,” sey pa ni Annabelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin naman siya kung totoo bang hiwalay na sina Sarah at Richard ay pinili na lang nitong huwag magbigay ng pahayag ngunit inamin nitong isang buwan nang nakatira sa kanya si Richard.

Sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa ukol sa isyung hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending