Sarah Lahbati ibinandera ang bagong hairstyle

Sarah Lahbati ibinandera ang bagong hairstyle, hirit ng netizens: nagmo-move on na nga ba?

Therese Arceo - November 24, 2023 - 03:39 PM

Sarah Lahbati ibinandera ang bagong hairstyle, hirit ng netizens: nagmo-move on na nga ba?

Sarah Lahbati

NAPA-WOW ang madlang netizens sa ibinanderang bagong short hair look ng dating aktres na si Sarah Lahbati.

Nitong Huwebes, November 23, ginulat ng dating aktres ang madlang pipol nang ibandera nito sa kanyang Instagram account ang kanyang pagpapagupit.

Kung dati ay bagay na kay Sarah ang kanyang long hair, mas lalong nangibabaw ang ganda nito sa kanyang bagong hairstyle.

Marami sa mga netizens ang pumuri sa bagong look ng celebrity mom.

“Ethereal beauty talaga si Sarah,” saad ng isang netizen.

Comment naman ni Pauleen Luna-Sotto, “You are beautiful [emoji] inside and out!”

Baka Bet Mo:Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sana makita si Ms. Sarah sa Fashion Show and I am praying for more projects for you Godbless,” sey naman ng isa.

Ngunit sa gitna ng mga papuri ay hindi rin maiwasan ng mga netizens ang magkomento kung ito nga ba ang pagbibigay clue ng dating aktres ukol sa kumakalat na chika sa kanila ng asawang si Richard Gutierrez.

Matatandaang hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng madla kung totoo nga bang hiwalay na sila Sarah at Richard.

Isa raw kasi sa mga senyales ng mga babae kapag nagpapagupit ay handa na itong mag-move on sa matinding pinagdaraanan. New hair, new life kumbaga.

“The woman who cuts her hair is about to change her life,” sey ng isang netizen sa post ni Sarah.

Chika pa ng isa, “Now, it is time for you to shine. No reason for anyone to keep you in the background just because you are married and have children.”

“Elegance needs no words, and It is you Sarah. If a person does not see it, it is then that person is blind with something unkind.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang chika ukol sa umano’y hiwalayan ng dalawa.

Hanggang ngayon naman ay nananatiling tahimik ang panig nina Richard at Sarah ukol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila nito ay mapapansin pa rin namang suot nila ang kanilang wedding rings sa mga larawang ibinabahagi nila sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending