Pauleen Luna ibinandera ang lumolobong baby bump, nagpakaligaya sa Japan kasama sina Bossing at Tali | Bandera

Pauleen Luna ibinandera ang lumolobong baby bump, nagpakaligaya sa Japan kasama sina Bossing at Tali

Ervin Santiago |November 13,2023
facebook
share this

Pauleen Luna ibinandera ang lumolobong baby bump, nagpakaligaya sa Japan kasama sina Bossing at Tali

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 05:21 PM

Pauleen Luna ibinandera ang lumolobong baby bump, nagpakaligaya sa Japan kasama sina Bossing at Tali

Pauleen Luna, Vic Sotto at Tali Sotto

IBINANDERA ng TV host-actress na si Pauleen Luna ang kanyang lumolobong baby bump na kuha habang nagbabakasyon sila ng pamilya sa Japan.

Buntis ngayon si Poleng sa second baby nila ng kanyang asawang si Bossing Vic Sotto at kamakailan nga lang ay in-announce nilang mag-asawa na baby girl uli ang kanyang ipinagdadalang-tao.

Ngayong buwan, double celebration ang naganap sa pamilya ni Bossing Vic dahil sabay na nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Pauleen at ni Tali.

Last November 6, nag-6 years old na si Tali habang nitong nagdaang November 10 naman ay ipinagdiwang ni Poleng ang kanyang 35th birthday.

Baka Bet Mo: Dimples Romana buntis sa ikatlong baby, muntik maibuking ni Angel Locsin

Sa Tokyo, Japan nag-decide ang Sotto family na magbakasyon ng ilang araw para na rin mas ma-enjoy ni Tali ang kanyang birthday sa pamamagitan ng pagpunta nila sa mga bonggang amusement parks doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Pauleen ang mga litrato nilang pamilya habang namamasyal sa Disney Sea. At sa isang photo nga ay ipinakita niya ang kanyang maumbok na tiyan.

Aniya sa caption, “This mom’s 2 sides. Hello, 35!”

Baka Bet Mo: Bossing, Pauleen payag agad sa pag-aartista ni Tali: She’s very funny, nakakatawa siya at gusto talaga niya

Sa isa pa niyang post, binati rin ni Pauleen si Tali sa kaarawan nito, “Tokyo Disney Sea for my little girl’s 6th birthday!

“Happiest 6th birthday to my firstborn, Tali i cannot believe that it’s been 6 years because you make it so easy for us my love!

“We are blessed to have an obedient, kind, compassionate and funny child. thank you for all the love you give us and may you grow to know what and who matters the most. May you know how much you are loved my little one! Always and forever Mom and Dad.

“PS. We’re so excited for you to be an ate! You’ll do an awesome job for sure,” mensahe pa ni Poleng.

Samantala, muling nag-share ang aktres sa IG ng mga bagong litrato ng anak nila ni Bossing na kuha naman sa Sanrio Puroland na matatagpuan sa Tama New Town, Tokyo.

Makikita sa nasabing indoor theme park si Hello Kitty at iba pang Sanrio characters kabilang na ang favorite ni Tali na si Cinnamoroll.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“In her happy place, Sanrio Puro Land! (heart emoji) She was so happy to see Cinnamoroll in person! She was even shouting ‘i love you’ your happiness is my happiness, love!” ang caption ni Pauleen sa kanyang IG post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending