Annabelle Rama 'di bet maghiwalay sina Sarah at Richard

Annabelle Rama ‘di bet maghiwalay sina Sarah at Richard: Mahal ko ang mga apo ko

Therese Arceo |December 09,2023
facebook
share this

Annabelle Rama ‘di bet maghiwalay sina Sarah at Richard: Mahal ko ang mga apo ko

Therese Arceo - December 09, 2023 - 03:34 PM

Annabelle Rama 'di bet maghiwalay sina  Sarah at Richard: Mahal ko ang mga apo ko

NILINAW ng talent manager na si Annabelle Rama na walang siyang kinalaman sa isyung hiwalayan umano ng kanyang anak na si Richard Gutierrez sa asawa nitong si Sarah Lahbati.

Nitong Biyernes ng gabi, December 8, naglabas ng pahayag sa kanyang Instagram account ukol sa mga kumakalat na balita ukol sa kanyang ugnayan sa isyung hiwalay na ang dalawa.

Nagsimula kasi ito nang matanong ni MJ Felipe si Annabelle ukol sa plano nito sa darating na Pasko at hindi na rin nawala sa usapan ang kumpirmasyon kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Sarah at Richard.

Bagamat pinili nitong huwag nang magsalita ay inamin nitong isang buwan nang nakatira sa kanya si Richard kasama ang mga anak nito.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, hinamon ng netizens na mag-post ng pictures together

Nasabi rin ni Annabelle ang plano nilang pumunta ng Japan mula Pasko hanggang January 3.

Natanong rin siya kung totoo ang balitang magastos si Sarah.

Sagot ni Annabelle, “Nakikita mo naman ‘di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may ‘something’ sila ni Richard Gutierrez: Don’t believe everything you see on the internet

Annabelle Rama nagbabala sa mga Marites na nagpapakalat ng fake news

“Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news.

“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time,” sey ni Annabelle.

Aniya, baka raw magulat ang lahat kapag nalaman ang katotohanan.

Lahad ni Annabelle, “Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida . Mali ang [bintang] nyo sa akin.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)

“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina. Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon.”

Maski si Annabelle raw ay nagulat sa bilis ng mga nangyayari lalo na nang dumating ang mga magulang ni Sarah mula sa ibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi. Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita. Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento.

“Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata. Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko,” giit pa ni Annabelle.

Sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag sina Richard at Sarah ukol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending