Alden sa Kathryn-Daniel breakup: Ayoko na pong ma-bash

Alden sa Kathryn-Daniel breakup: Ayoko na pong ma-bash, tahimik na lang ako

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Alden sa Kathryn-Daniel breakup: Ayoko na pong ma-bash, tahimik na lang ako

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 12:36 PM

Alden sa Kathryn-Daniel breakup: Ayoko na pong ma-bash, tahimik na lang ako

Kathryn Bernardo, Alden Richards at Daniel Padilla

INGAT na ingat ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagbibitiw ng salita nang tanungin tungkol sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Natanong kasi ang award-winning Kapuso matinee idol kung ano ang naging reaksyon niya sa breakup ng isa sa pinakasikat na tambalan sa Philippine showbiz.

Sa naganap na presscon para sa entry nina Alden at Sharon Cuneta sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Family Of Two” ay isa sa mga natanong sa aktor ay kung ano ang masasabi niya sa hiwalayang KathNiel.

“Medyo mainit po ‘yung topic baka masali po ako ulit, baka ako po yung ma-bash,” ang pag-iwas ni Alden sa isyu.

“Ayoko na pong naba-bash, so tatahimik na lang po ako sa issue na yan,” dagdag pa niya.

Ano naman ang masasabi niya na may mga fans na nagsasabing sana sila na lang daw ni Kathryn ang magkatuluyan at gumawa uli ng mga pelikula.

Baka Bet Mo: Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: ‘Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako…’

“Respeto ko na lang po sa kanila. I’ll just keep quiet sa issue pero tignan nalang po natin kung anong magiging turn out, pero sa ngayon they deserve a space,” sey pa ni Alden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, gumawa naman talaga ng kasaysayan ang pinagsamahang pelikula nina Alden at Kathryn na “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 na siyang may hawak ngayon ng record bilang highest-grossing Filipino movie of all time.

Narito naman ang reaksyon ng ating mga ka-BANDERA sa naging panayam namin kay Alden kasama ang iba pang members ng press.

“Napaka respectful ni alden!”

Baka Bet Mo: Ruru Madrid ayaw magpa-double sa mga buwis-buhay stunts sa ‘Black Rider’, nagpapagaling na matapos maaksidente sa taping

“Ang mga reporter paramg palaging Nababaguhan, pangkaraniwan na ang Hiwalayan sa mga artista, mag asawa Na, mag boyfriend, bago lang kasal Malalaman mo lang hiwalay na, palitan ng palitan at ikotan ng BF so nothing
To shock. Natural nowadays.”

“Totoong tao tong si Alden Richards kaya di nawala pag ka idol ko dito.”

“Good answer alden baka kc iugnay kpa sa hiwalayan nila at baliktadin na si kat pa yun nag loloko at ikaw yun lalake na yun.”

“Ok nmn clang2 ulit in a movie…bagay cla png forever.”

“Kayo nalang!”

“Correct ka diyan. Good job Alden. Gawa na lang kayo nang pelikula.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama wag ka sawsawero gaya ng iba papansin lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending