Ruru Madrid ayaw magpa-double sa mga buwis-buhay stunts sa ‘Black Rider’, nagpapagaling na matapos maaksidente sa taping
KAHIT ingat na ingat na ang Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid sa mga buwis-buhay na mga eksena niya sa “Black Rider” ay hindi pa rin siya nakaiwas sa disgrasya.
Unti-unti nang nakaka-recover ngayon ang hunk actor matapos ngang maaksidente habang nasa taping ng pinakabago niyang action-drama series sa GMA 7 na “Black Rider.”
Naulit nga uli sa set ng naturang serye ang nangyari noon sa kanya habang ginagawa ang mga mapanganib na stunts sa Kapuso action-adventure series na “Lolong.”
View this post on Instagram
Napuruhan daw ang kanang tuhod ni Ruru nang gawin ang isa sa mga maaaksyong eksena sa “Black Rider”. Ibig sabihin, wala talagang double ang aktor sa paggawa ng mga mapanganib at delikadong eksena.
Ibinahagi ni Ruru ds kanyang Instagram account na kasalukuyan na siyang nagpapagaling ngayon sa tulong ni Coach Joseph Santos II, isang sports physiotherapist na kilala sa pag-assist sa mga atletang naaaksidente.
Baka Bet Mo: Sanya mas nahihirapan sa dami ng lengguwaheng kailangang i-memorize sa ‘Urduja’ kesa sa buwis-buhay na action scenes
Nag-post ang aktor sa Instagram ng mga litrato habang sumasailalim sa rehabilitation program with Coach Joseph.
Aniya sa caption, “Getting stronger every day!
“I love doing my own stunts and fight scenes pero syempre hindi maiiwasan ang aksidente. I just had another injury (Acute Ligamentous Injury) sa right knee.
View this post on Instagram
“That’s why I decided to get a PT (Physical Therapist) Coach @josephsantosii para mas maging matibay at handa ang katawan sa lahat ng eksena na kailangan gawin.
“Health is wealth, kaya pangalagaan natin ang ating mga katawan para sa ating kinabukasan!” ang sabi pa ng binata sa caption ng kanyang IG post.
Samantala, sa kuwento ng “Black Rider”, gaganap si Ruru bilang si Elias, isang delivery rider na makakadiskubre sa isang malaking sindikato sa Pilipinas.
Makakasama ni Ruru sa “Black Rider” sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, Gladys Reyes, Raymond Bagatsing, Gary Estrada, Rio Locsin, Aleck Bovick, Almira Muhlach, Gladys Reyes, Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Rainier Castillo, Vance Larena at marami pang iba.
Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.