Yassi Pressman balik-Kapuso na rin, napiling leading lady ni Ruru Madrid sa ‘Black Rider’
CONFIRMED! Balik-GMA 7 na nga ang controversial actress ngayon na si Yassi Pressman matapos ipakilala bilang bagong leading lady ni Ruru Madrid.
Magtatambal ang dalawa sa upcoming GMA Public Affairs action-drama series na “Black Rider” kung saan pareho silang mapapasabak sa maaaksyong eksena.
Ipinasilip sa “Chika Minute” ng “24 Oras” ngayong gabi ang ginagawang training ni Yassi sa paggamit at pagpapaputok ng baril bilang paghahanda sa pagbabalik-serye niya sa Kapuso Network.
Super excited na raw ang dalaga sa bago niyang proyekto at looking forward sa mas marami pang mangyayari sa career niya bilang Kapuso.
Baka Bet Mo: Yassi ipinatatayo na ang dream house; Dimples ibinandera ang kaseksihan
“Feeling ko po magiging challenging po siya for sure. Maraming mga motor. Action. ‘Yung character din po ni Vanessa kasi hindi ko pa po siya nagawa noon,” kuwento ni Yassi.
View this post on Instagram
Ito na ang ikalawang proyektong magtatambal sina Yassi at Ruru. Natapos na nila ang first project nila together, ang pelikulang “Video City.” Nagkasama rin sila sa Kapuso thriller series na “Dormitoryo” noong 2013.
“As an actor din po, dahil napapanood ko rin ‘yung ‘Lolong’ siyempre na-excite din po ako makita kung ano po ang magagawa namin together,” ani Yassi.
Sey naman ni Ruru, “Ten years ago na rin pero nandun pa rin ‘yung trust namin sa isa’t isa bilang magkatrabaho.
“Na-feel namin ‘yun sa ‘Video City’ and I’m sure dito sa ‘Black Rider’ ibang timpla naman ‘yung maipapakita namin kumbaga ng team up naming dalawa,” dagdag pang chika ng aktor.
Ka-join din sa “Black Rider” sina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, Rainier Castillo, Katrina Halili, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, at marami pang iba.
Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.