Ruru sumabak na sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Black Rider’; bumilib sa 2 teenager na CEO at COO na ng kanilang negosyo
NAGSIMULA nang mag-taping si Ruru Madrid para sa bago niyang action-drama series sa GMA 7 na “Black Rider” kung saan makakasama niya si Matteo Guidicelli.
Siguradong handang-handa na ang hunk actor at iba pang cast ng serye matapos ang pagsabak nila sa ilang series of training para sa kani-kanilang role.
Makakasama sa “Black Rider” sina Gladys Reyes, Katrina Halili, Jon Lucas, Dustin Yu, Saviour Ramos, Kim Perez, Joaquin Manansala, Vance Larena at Joem Bascon.
Sa tulong ng stunt coordinator at fight director na si Erwin Tagle, sumailalim sa mixed martial arts, action choreography, at gun handling at firing ang cast members.
“‘Yung Black Rider ‘yung pinakamaaksiyon na project na maituturing ko. Noog binasa ko pa lang ‘yung script, noong pinitch pa lang nila sa akin ‘to, sinabi nila sa akin na it’s gonna be pure action.
“Kahit na pagsama-samahin niyo lahat ng mga projects na nagawa ko at gawing isa, parang ito ‘yung kalalabasan. Ganoon kabigat,” sabi ni Ruru sa panayam ng GMA.
Abangan din daw ng Kapuso viewers kung sino ang magiging leading lady ni Ruru sa serye, “Marami pa kaming mga sorpresang inihanda para sa inyo.
“Kung nagulat po kayo doon sa aming ginawang story conference at napakita po ‘yung mga cast ng Black Rider, naku, hindi pa po ‘yun lahat. Marami rin pong papasok dito na mga galing ng kabila pero ngayon nandito na rin po sa atin,” sey pa ni Ruru.
View this post on Instagram
Samantala, isa si Ruru sa mga naging special guest performer sa successful grand opening ng Best Label Solutions Inc. na ginanap last Sunday, July 9 sa kanilang opisina at production floor sa Sta Maria, Bulacan.
Talagang pinakilig niya ang mga um-attend sa nasabing event dahil nilapitan niya at hinarana ang ilang mga kababaihang naroon.
Ang grand opening ay pinangunahan ng batambatang CEO na si Abdani Tapulgo Galo, Jr. kasama ang nakababatang kapatid at COO ng kumpanya na si Jevi Tapulgo Galo, na kinabiliban ni Ruru dahil kahit mga teenager pa lang ay may-ari na ng sarili nilang kumpanya.
Naroon din ang Best Label Solutions Inc. Chairman na si Mr. Abdani Galo at ang wife nitong si Jennifer Tapuldo Galo na nagbahagi ng inspiring message para sa kanilang mga anak.
Ang Best Label Solutions Inc. ay isang family owned label printing business na pamamahalaan nina Abdani, 19, at Jevy, 18. Bagamat mga teenager pa lamang, ipinagkatiwala na agad kanila ng mga magulang ang pagpapalakad dito.
Masasabing hardworking at focused talaga ang dalawang young entrepeneur sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Anila, isa sa mga objective nila ngayong 2023 ay ang makuha ang international market.
Wala pang balak kumuha ng celebrity ambassador ang magkapatid para sa kanilang kumpanya ngunit kung sila ang papipiliin type nila ang actress-TV host na si Yassi Pressman.
In fairness, may mga itsura rin ang Galo brothers kaya natanong kung binalak ba nila na mag-artista. Sa ngayon daw ay wala ito sa isip nila dahil nas gusto nilang tutukan ang kanilang negosyo.
Bukod kay Ruru, dumalo rin sa nasabing event sina Miss Earth Philippines 2022 Yllana Marie Aduana, Dustine Mayores (actor-influencer), Cloe Redondo (singer- influencer), Archie Aguilar (singer-influencer), Katkat Manimtim (social media influencer), Daniel Bernardo (social media influencer), Bugoy Cariño (actor-influencer) at Dior Veneracion (singer-social media influencer).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.