Daniel Matsunaga damay sa hiwalayang KathNiel

Daniel Matsunaga damay sa hiwalayang KathNiel: Iba po surname ko

Therese Arceo |December 01,2023
facebook
share this

Daniel Matsunaga damay sa hiwalayang KathNiel: Iba po surname ko

Therese Arceo - December 01, 2023 - 05:32 PM

Daniel Matsunaga damay sa hiwalayang KathNiel: Iba po surname ko

Daniel Matsunaga, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla (KathNiel)

NADAMAY na ang model-actor na si Daniel Matsunaga sa naging hiwalayan ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nitong Huwebes ng gabi, kinumpirma na ni Kathryn ang matagal nang usap-usapang break na sila ni DJ matapos ang 11 years nilang pagsasama.

Walang binanggit si Kathryn kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay ni Daniel ngunit nadadawit sa isyu si Andrea Brillantes.

Matatandaang naibalita noon ni Ogie Diaz na ayon sa kanilang source ay ang dalaga ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at patago ring nagkikita si DJ at Blythe.

Ngunit ang nakakaloka ay maging si Daniel Matsunaga ay nadamay na rin sa hiwalayan ng dalawa.

Paano kasi ay nakatanggap ito ng napakaraming mensahe kung saan tinatanong siya hinggil sa hiwalayan ng KathNiel.

Baka Bet Mo: Mga abogado nina Kathryn at Daniel nag-uusap na, bawian na nga ba ng investment

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ibinahagi pa nga ni Daniel sa kanyang Instagram account ang mga screenshots ng mga natanggap niyang messages mula sa netizens.

Makikita sa mga screenshot na pinapaamin nila ang modelo kung ano ang katotohanan sa pagitan nila ni Andrea.

Mukha namang ang iba ay nag-powertrip na lang dahil parehas na “Daniel” ang kanilang pangalan.

Imbes na mainis ay idinaan na lang sa biro ng model-actor anf pagkakasali sa isyu.

“guys there are many Daniels sa buong mundo. iba po yun surname ko talaga promise [laugh in tears emoji],” saad niya.

Dagdag pa niya, “salamat pows. God bless.”

Ibinahagi rin niya ito sa kanyang IG story at sinabing, “guys pls iba po yun surname ko. maraming daniel sa mundo salamat po.”

Sa kabila ng kalungkutan sa break up news ng KathNiel ay marami namang natawa sa kalokohan ng ibang netizens.

Sey ni Denise Laurel sa post ni Daniel, “Hahah i feel you brooooo gahahahah till this day i have to deal with DENNIECE CORNEJO AND FOODS SA CONDO.. and bakit ko inaaway si kuya vhong.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ni Ruffa Gutierrez, “Lolll [laughing emoji].”

Depensa naman ng isang netizen, “Inosente po Si Daniel MATSUNAGA guys, wag nyong lahatin ang mga Daniel.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending