outbrain

Daniel Matsunaga nakabundol ng motorsiklo, rider dinala sa ospital

By Ervin Santiago August 19,2018
share this

Daniel Matsunaga nakabundol ng motorsiklo, rider dinala sa ospital

By Ervin Santiago August 19,2018 - 03:22 PM

NAKABANGGA ang Japanese-Brazilian actor na si Daniel Matsunaga ng isang motorcycle rider sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Sa panayam kay Daniel, siya ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan kasama ang kapatid na si Gilherme nang mabundol nila ang isang motorsiklo. Paauwi na raw sila galing sa isang restaurant nang maganap ang aksidente.

Mula raw sa Commonwealth westbound lane, kumanan si Daniel papuntang Don Antonio Street, nang biglang sumulpot ang motorsiklo at mabundol ang likurang bahagi nito kasabay ng pagsemplang ng driver.

Dinala sa ospital ang motorcycle rider matapos dumaing ng pananakit ng baywang. Hindi naman nasaktan ang magkapatid na Matsunaga. Sumama rin sa Quezon City Traffic Sector 5 si Daniel mag-file ng police report.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending