Dominique Cojuangco buntis, Gretchen Barretto magiging lola na!

Dominique Cojuangco buntis, Gretchen Barretto magiging lola na!

Therese Arceo |November 25,2023
facebook
share this

Dominique Cojuangco buntis, Gretchen Barretto magiging lola na!

Therese Arceo - November 25, 2023 - 08:00 PM

Dominique Cojuangco buntis, Gretchen Barretto magiging lola na!

Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco, at Michael Hearn

ISANG malaking blessing ang paparating para sa newlyweds na sina Dominique Cojuangco at ang asawa nitong si Michael Hearn.

Nitong Sabado, November 25, ibinahagi ng mag-asawa sa pamamagitan ng video post sa Instagram ang isang magandang balita.

Buntis si Dominque at inaasahan nilang mag-asawa ang kanilang magiging panganay sa 2024.

Ibig sabihin ay magiging lola na ang ina nitong si Gretchen Barretto.

“Little blessing arriving in 2024,” saad nina ang Dominique at Michael.

Makikita sa video ang paghawak nilang mag-asawa sa tiyan ng unica hija ni Gretchen tanda na may maliit na anghel na biyaya sa kanilang pagsasama.

Bukod rito ay wala naman nang iba pang inilagay na detalye sina Dominique at Michael ukol sa kanyang pagbubuntis.

Baka Bet Mo: True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?

Marami naman sa mga kaibigan ng dalawa at iba pang mga celebrities ang nagpahatid ng kanilang congratulatory messages para sa mag-asawa.

“Congratulations! Welcome to Motherhood. Been waiting for this announcement,” komento ni Sofia Andres sa post ni Dominique.

Saad naman ni Verniece Enciso-Lim, “So happy for you!”

“Omg!!!!!!!!!! Congratulations dom [Dominique]!!!!” sey naman ni Ella Pangilinan.

Sabi pa ni Leila Alcasid “Congrats!!!!!!!”

Samantala, wala pa namang reaksyon ang ina ni Dominique sa magandang balitang ibinandera ng anak.

Matagal na ring hindi aktibo si Gretchen sa social media na napansin rin ng madlang pipol jata naman marami rin ang looking forward sa reaksyon nitong magiging mommy na rin ang kanyang baby girl.

Aware naman ang lahat na si Dominique ang nag-iisang anak ni La Greta at ng businessman na si Tonyboy Cojuanco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong March 2023 naman nang ikasal si Dominique at Michael sa San Agustin Church sa Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending