Maricel nag-sorry sa pagkukulang sa mga anak: 'Sana, you can still find it in your heart to forgive me' | Bandera

Maricel nag-sorry sa pagkukulang sa mga anak: ‘Sana, you can still find it in your heart to forgive me’

Ervin Santiago |November 22,2023
facebook
share this

Maricel nag-sorry sa pagkukulang sa mga anak: ‘Sana, you can still find it in your heart to forgive me’

Ervin Santiago - November 22, 2023 - 07:41 AM

Maricel nag-sorry sa pagkukulang sa mga anak: 'Sana, you can still find it in your heart to forgive me'

Maricel Soriano

MANGIYAK-NGIYAK ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano habang nagkukuwento tungkol sa kanyang mga anak.

Natanong kasi ang movie icon at award-winning actress sa presscon ng bago niyang pelikula na “In His Mother’s Eyes” kung ano ba ang mga hindi niya naibigay sa mga anak at kung saan naman siya sumobra.

May dalawang anak si Marya at parehong lalaki – sina Maron at Sebastien.

Nagkulang ako sa time. Kulang na kulang ako sa panahon para sa mga anak ko. At hinihingi ko yun ng tawad sa kanila. Nag-date kaming tatlo para lang mag-sorry ako sa kanila,”

“Sinabi ko sa kanila, sana, you can still find it in your heart to forgive me. Sabi ng mga anak ko, no, Mom, we understand and forgive you. Nanlalambot na ako,” aniya pa.

“Kapag yung mga anak ko na ang nagsasalita, hindi na ako makapagsalita. Kasi kapag may ayaw yung panganay ko, ayaw niya talaga. Yung isa naman mas malala.

Baka Bet Mo: Ruffa hindi pa sure kung mag-aasawa uli: All I know is, I’m not going to end up alone, ipinagdarasal ko yan

“Parang linta na laging nakadikit. Pinapanood niya yung ginagawa ko. Kaya nandito ako babantayan kita. Sabi ko, security guard?” dagdag pa niyang chika.

At sa bahagi naman kung sa tingin niya ay lumabis siya bilang nanay, “Siguro doon sa maliit na bagay na ini-spoiled ko raw sila. Pero mababait ang mga anak ko, wala akong masabi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang tagal lang kasi naghintay ng mga anak ko sa akin. Inuna ko yung pamilya ko. Inuna ko ang nanay ko, ang mga kapatid ko. Pero now it’s their time. Time na ng mga anak ko,” aniya.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Inamin naman ni Maricel nang makachikahan namin siya at ng iba pang press people na nangangarap din siyang magkaapo, “Wala pa akong apo. Nagpapahanap na nga ako, eh!

“Sabi ko sa kanila hindi ba pwedeng ngayon na? Sabi nila, ‘ano yan binibili sa department store mama?’

“Wala kasi akong anak na babae. Lalaki ang mga anak ko. Kaya kapag nakakakita ako ng mga girls, ‘anong like mo? ano’ng feel mo? O tapos kuwento ka pa?’

“Ini-interview ko talaga isa kaya sinasabi ko, kaya tandaan mo dapat beautiful ka di ba at laging fresh. Kinausap ko sila na parang mga babies ko,” sey ni Marya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, showing na sa November 29 ang “In His Mother’s Eyes” kung saan makakasama rin sina Roderick Paulate, Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz at marami pang iba, mula sa direksyon ni FM Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending